Museong Hudyo Berlin

Museong Hudyo Berlin
Jüdisches Museum Berlin
Jüdisches Museum Berlin
Kollegienhaus at Libeskind-Bau
Ang Kollegienhaus (1735) at Libeskind-Bau (1992)
Itinatag2001
LokasyonKreuzberg, Berlin, Alemanya
Mga koordinado52°30′07″N 13°23′42″E / 52.502°N 13.395°E / 52.502; 13.395
UriMuseong pang-Hudyo
DirektorHetty Berg
ArkitektoDaniel Libeskind
Sityojmberlin.de/en

Ang Museong Hudyo Berlin (Jüdisches Museum Berlin) ay binuksan noong 2001 at ito ang pinakamalaking Museong pang-Hudyo sa Europa. Sa 3,500 square metre (38,000 pi kuw) na espasyo sa sahig, ipinakita ng museo ang kasaysayan ng mga Hudyo sa Alemanya mula sa Gitnang Kapanahunan hanggang sa kasalukuyan, na may mga bagong focus at bagong eskenograpiya. Binubuo ito ng tatlong gusali, dalawa sa mga ito ay mga bagong karagdagan na partikular na itinayo para sa museo ng arkitektong si Daniel Libeskind. Ang kasaysayang Aleman-Hudyo ay nakadokumento sa mga koleksiyon, aklatan, at sinupan, at makikita sa programa ng mga kaganapan ng museo.

Mula sa pagbubukas nito noong 2001 hanggang Disyembre 2017, ang museo ay may mahigit labing-isang milyong bisita at isa sa mga pinakabinibisitang museo sa Alemanya.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne