NAIA Expressway


NAIA Expressway
NAIA Skyway
NAIAEX / NAIAX
Mapa ng mga mabilisang daanan sa Luzon, kalakip ang NAIA Expressway na nakakahel.
NAIA Expressway patimog patungong Daang NAIA mula Abenida Andrews sa Pasay.
Impormasyon sa ruta
Haba11.6 km (7.2 mi)
UmiiralSetyembre 22, 2016–kasalukuyan
Bahagi ng E6
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluranNew Seaside Drive, Parañaque
 
Dulo sa silangan N195 (Abenida Ninoy Aquino) / N194 (Daang NAIA), Pasay
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodPasay
Parañaque
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang NAIA Expressway (na tinatawag ding NAIAEX, NAIAX, at Ninoy Aquino International Airport Expressway)[1] ay isang 11.6 kilometrong (7.2 milyang) nakaangat na sistema ng mabilisang daanan sa Kalakhang Maynila, Pilipinas, na nag-uugnay ng Metro Manila Skyway sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) at Entertainment City. Dumadaan ito sa ibabaw ng Abenida Andrews, Daang Elektrikal, at Daang NAIA at nag-uugnay ng Skyway sa Abenida Ninoy Aquino, Bulebar Macapagal, Bulebar Jose Diokno, at Manila–Cavite Expressway. Ito ang kauna-unahang airport expressway (o ang mabilisang daanan na naglilingkod sa isang paliparan) sa Pilipinas. Binuksan ito noong Setyembre 2016.[2] Matatagpuan ito sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque.

  1. "DPWH PPP Projects NAIA". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-11-22. Nakuha noong 2017-01-10.
  2. "NAIA Expressway finally opening on September 22" (sa wikang Ingles). ABS-CBN. Nakuha noong 07 Setyembre 2016. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne