Matatagpuan sa Jinnan, Shibuya, Tokyo ang NHK Broadcasting Center(NHK放送センター/NHK Hoso Senta). Sinimulan ang konstruksiyon nito noong huling bahagi ng 1964 matapos na tibagin sa lugar ang Olympic Village na ginamit noong 1964 Tokyo Olympics. Binuksan ito noong 1965. Ito ang punong himpilan at base ng operasyon ng pambansang pampublikong brodkaster ng Hapon, ang NHK. Matatagpuan dito ang mga studio at ang mga opisina, gayundin ang ilang mga tindahan at ang popular na Studiopark. Matatagpuan din sa complex ang NHK Hall. Nagsisilbi ding opisina ang NHK sa mga dayuhang brodkaster na may mga tanggapang pambalitaan sa Tokyo, gaya ng KBS ng Timog Korea, ABC ng Estados Unidos, CCTV ng Tsina, at ABC ng Australia.
Nakapaligid sa NHK Broadcasting Center ang ilang mga kompanyang nakakabit sa NHK.