Si Nabopolassar ( /ˌnæbɵpəˈlæsər/; wikang Akkadiano: Nebû-apal-usur; c. 658 BCE – 605 BCE) ang hari ng Babilonya at gumampan ng isang mahalagang papel sa pagpanaw ng Imperyong Asiryo kasunod ng kamatayan ng huling makapangyarihang haring si Ashurbanipal.[1] Siya ay namuno sa Babilonya ng 20 taon (625 BCE –605 BCE).