Si Nabucodonosor II (Ingles: Nebuchadnezzar II /nɛbjʊkədˈnɛzər/; Arameo: ܢܵܒܘܼ ܟܘܼܕܘܼܪܝܼ ܐܘܼܨܘܼܪ; Hebreo: נְבוּכַדְנֶצַּר Nəḇūḵaḏneṣṣar; Ancient Greek: Ναβουχοδονόσωρ Naboukhodonósôr; Arabic: نِبُوخَذنِصَّر nibūḫaḏniṣṣar; c 642 BK – 562 BK) ang hari ng Imperyong Neo-Babilonyano na naghari noong c. 605 BK – 562 BK. Siya ang nagtayo ng Mga nakabiting hardin ng Babilonya. Ang kanyang pangalang wikang Akkadiano na Nabû-kudurri-uṣur ay nangangahulugang "O Diyos Nabu, ingatan/ipagtanggol ang iyong panganay na anak na lalake". Si Nabu ang Diyos ng Babilonya ng karunungan at anak na lalake ng Diyos na si Marduk. Sa isang inskripsiyong, tinawag ni Nabucodonosor II ang kanyang sarili bilang ang "minamahal" at "paborito" ng Diyos na si Nabu.[2][3] Ang kanyang pangalan ay dating maling pinakahulugang "O Nabu, ipagtanggol ang aking kudurru"[4] na pinakahulugang sinulatang bato ng deed ng ari-arian. Gayunpaman, kapag nakalagay sa pamagat ng isang hari, ang kadurru ay tinatayang may kahulugang "panganay na anak na lalake" o "pinakamatandang anak na lalake". [5] Ayon sa Bibliya, kanyang sinakop ang Judah at Herusalem at pinatapon ang mga Hudyo sa Babilonya. Siya ay binanggit rin sa Aklat ni Daniel. Ang mga anyo ng wikang Hebreo ay kinabibilangan ng נְבוּכַדְנֶאצַּר at נְבוּכַדְרֶאצַּר (Nəḇuḵaḏreṣṣar). Siya ay kilala rin bilang Bakhat Nasar na nangangahulugang "nagwagi ng kapalaran".