![]() Mapa ng mga estadong kasapi ng Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa. | |||||||
Punong-tanggapan | 760 United Nations Plaza, Bagong York, Estados Unidos (international territory) | ||||||
Wikang opisyal | |||||||
Uri | Katatágang intergubernamental | ||||||
Katayuan | 193 estadong kasapi 2 estadong tagamasid | ||||||
Pinuno | |||||||
• Kalihim-Heneral | ![]() | ||||||
• Pangalawang Kalihim-Heneral | ![]() | ||||||
![]() | |||||||
![]() | |||||||
Itinatag | |||||||
• UN Charter signed | 26 Hunyo 1945 | ||||||
• Charter entered into force | 24 Oktubre 1945 | ||||||
|
Ang Katatágan ng mga Nagkakaisang Bansa (Kastila: Organización de las Naciones Unidas), payak na kilala bilang mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations), at dinadaglat bilang KNB (Kastila: ONU; Ingles: UN), ay ang pinakamalaking katatágang intergubernamental sa mundo. Ayon sa Karta nito, nilikha ito upang ipanatili ang kapayapaan at katiwasayang internasyonal, bumuo ng mga mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng mga bansa, makamit ang pandaigdigang kooperasyon upang lutasan ang mga suliranin sa mundo, at maging sentro para sa pagkakasundo ng mga aksyon ng mga bansa. Matatagpuan ang punong-tanggapan nito sa teritoryong ekstrateritoryal sa Lungsod ng Bagong York (Estados Unidos), at mayroong mga pangunahing tanggapan sa Hinebra (Suwisa), Nairobi (Kenya), at Viena (Austria).