Ang computer network ay isang koleksiyon ng mga hardware at mga kompyuter na pinag-uugnay ng mga channel na pangkomunikasyon (communication channels) upang makapagbahagi ng mga mapagkukunan at impormasyon.[1] Maaaring uriin ang mga network ayon sa iba't ibang katangian at kasangkapang ginagamit. Kinabibilangan ito ng midyum upang ihatid ang datos, mga protocol ng komunikasyon, topolohiya, laki, at organisasyonal na sakop. Ang mga patakaran at pormat ng data sa pagpapalit ng impormasyon sa isang network ay inilalarawan ng mga protocol na pangkomunikasyon.