Ang Nimrud (Arabe: النمرود) ay ang Arabe at Arameo na pangalan para sa isang sinaunang Asiryanong lungsod na matatagpuan 30 kilometro timog ng lungsod ng Mosul, at 5 kilometro timog ng nayon ng Selamiyah (Arabe: السلامية), sa mga kapatagan ng Nineveh sa hilagang Mesopotamya. Ito ay naging isang pangunahing Asiryanong lungsod sa bandang 1250 BK hanggang 610 BK.