Ninety-Five Theses

"Thesentür" ("Pinto ng mga Sanaysay") sa All Saints' Church (Schlosskirche) sa Wittenberg

Ang Siyamnapu't Limang Sanaysay sa Kapangyarihan at Bisa ng Indulhensiya (Ingles: Ninety-five Theses on the Power and Efficacy of Indulgences, Latin: Disputatio pro declaratione virtutis indulgentiarum), o mas kilalá bílang Ninety-five Theses (Tagalog: Siyamnapu't Limang Sanaysay), ay malawakang kinikilala bílang mitsa ng Repormang Protestante. Ang protestang ito ay laban sa pang-aabuso ng mga klerigo, lalo na ang nepotismo, simonya, usury, pluralismo, at pagbebenta ng indulhensiya. Kalimitang pinaniniwalaan, ayon sa isang gawing pampamantansan, na noong 31 Oktubre 1517, ipinaskil ni Luther ang Ninety-five Theses, na sinulat niya sa Wikang Latin, sa pinto ng simbahan ng All Saints' Church sa Wittenberg. Gayunpaman, taliwas sa palasak na paniniwala, sinasabi rin na pinapasa-pasa lámang ni Luther ang mga pahina, sa tulong ng pagdating ng makinang panlimbag noong panahong iyon.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne