نَيْنَوَىٰ | |
Kinaroroonan | Mosul, Gobernoratong Nineveh, Iraq |
---|---|
Rehiyon | Mesopotamiya |
Mga koordinado | 36°21′34″N 43°09′10″E / 36.35944°N 43.15278°E |
Klase | Tirahan |
Lawak | 7.5 km2 (2.9 mi kuw) |
Kasaysayan | |
Nilisan | 612 BCE |
Kaganapan | Labanan ng Nineveh |
Ang Nineveh ( /ˈnɪnᵻvə/; Arabe: نَيْنَوَىٰ Naynawā; Siriako: ܢܝܼܢܘܹܐ, romanisado: Nīnwē;[1] Acadio: 𒌷𒉌𒉡𒀀 URUNI.NU.A Ninua) ay isang sinaunang lungsod ng Asirya sa Itaas na Mesopotamiya na matatagpuan sa labas ng Mosul sa modernong Iraq. Ito ay matatagpuan sa silangang bangko ng Ilog Tigris at ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Imperyong Neo-Asirya na wumasak Kaharian ng Israel (Samaria) at nagpatapon ng ng mga mamamayan nito sa Asirya noong ca. 722 BCE. Ang Nineveh ang pinakamalaking lungsod sa buong mundo sa loob ng 50 taon hanggang 612 BCE nang ito ay bumagsak sa koalisyon ng mga bansang sinakop ng Asirya na mga Babilonyo, Medes, Scythiano, at Cimmeriano.