Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
North Luzon Expressway | |
---|---|
dati ay North Diversion Road Marcelo H. del Pilar Superhighway | |
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Tollways Management Corporation | |
Haba | 84.0 km (52.2 mi) |
Umiiral | 1968–kasalukuyan |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga |
|
Dulo sa timog | N1 / AH26 (EDSA) / N160 (Abenida Bonifacio) sa Palitan ng Balintawak, Lungsod Quezon |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | |
Mga bayan | |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang North Luzon Expressway (NLE o NLEx), dating tinatawag na North Diversion Road at Manila North Expressway (MNEX), ay isang may takdang mabilisang daanan (expressway) na nagkokonekta sa Kalakhang Maynila sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon sa Pilipinas. Ito ay isang bahagi ng Expressway 1 (E1) ng sistemang mabilisang daanan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) at Daang Radyal Blg. 8 (R-8) ng sistemang arteryal ng mga lansangan sa Kamaynilaan. Itinayo ito noong dekada-1960.[1]
Nagsisimula ito sa isang palitang trebol (cloverleaf interchange) sa EDSA—karugtong sa Abenida Bonifacio—sa Lungsod Quezon. Dadaan ito sa Caloocan at Valenzuela ng Kamaynilaan, Bulacan, at Pampanga. Sa ngayon, nagtatapos ito sa Labasan ng Santa Ines sa Mabalacat, at pinagiisa sa Lansangang MacArthur pahilaga patungo sa natitirang bahagi ng Gitnang at Hilagang Luzon. May isang panukala na derektang kukonektahin ang mabilisang daanan sa Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx) sa pamamagitan ng isang palitan na matatagpuan 3-kilometro hilaga ng kasalukuyang dulo nito sa Labasan ng Santa Ines. Ang bahagi ng mabilisang daanan sa pagitan ng Labasan ng Santa Rita sa Guiguinto at Palitan ng Balintawak sa Lungsod Quezon ay isang bahagi ng bagong pagkakalinya ng N1 (AH26).
Ang mabilisang daanan, kung isasama ang Abenida Andres Bonifacio, ay may kabuoang haba na 88 kilometro. Ang bahagi ng mabilisang daaanan ay may habang 84 kilometro.
Sa simula ito ay kontrolado ng Philippine National Construction Corporation o PNCC, ang pamamahala at pagpapanatili ng NLEX ay inilipat noong 2005 sa Manila North Tollways Corporation, isang sangay ng Metro Pacific Investments Corporation (dati, ito ay sangay Lopez Group of Companies hanggang 2008). Isang pangunahing pagpapaganda at pagsasaayos na natapos noong Pebrero 2005 ay ang pagiging hawig ng modernong kalidad sa mga mabilsang daanan sa Pransiya. Ang pangunahing kontratista ng pagsasaayos ay ang Leighton Contractors Pty. Ltd. ng Australya kasama ang Egis Projects, isang kompanya na kasama sa Groupe Egis ng Pransiya bilang subkontraktor para sa tarangkahan, telekomunikasyon, at sa mga paraan ng pangangasiwa ng trapiko. Upang mapanatili ang kaligtasan at kalidad ng mabilisang daanan, iba't ibang mga panuntunan ang nakalagay, tulad ng pagtakda sa kaliwang landas bilang panlusot na landas (passing lane) at pagbabawal sa mga trak na sobra ang karga.
Ang mabilisang daanan ay may mga tulay na tumatawid sa pitong mga ilog. Ang mga ilog na ito ay Ilog Tullahan sa Valenzuela malapit sa Palitan ng Smart Connect; Ilog Meycauayan, Ilog Marilao, Ilog Santa Maria at Ilog Angat sa lalawigan ng Bulacan; at Ilog Pampanga at Ilog Abacan sa lalawigan ng Pampanga.