One Direction

Hindi dapat malito sa palabas pantelebisyon na Juan Direction.
One Direction
Ang One Direction habang nagtatanghal sa Glasgow sa kanilang On The Road Again Tour noong Oktubre 2015. Mula sa kaliwa: Louis Tomlinson, Niall Horan, Liam Payne, at Harry Styles.
Ang One Direction habang nagtatanghal sa Glasgow sa kanilang On The Road Again Tour noong Oktubre 2015. Mula sa kaliwa: Louis Tomlinson, Niall Horan, Liam Payne, at Harry Styles.
Kabatiran
Kilala rin bilang1D
PinagmulanLondres, Inglatera
GenrePop, Rock
Taong aktibo2010–2016
Label
  • Syco
  • Columbia
MiyembroNiall Horan
Harry Styles
Louis Tomlinson
Dating miyembroZayn Malik
Liam Payne (namatay 2024)
Websiteonedirectionmusic.com

Ang One Direction (kadalasang dinadaglat bilang 1D) ay isang pop na bandang Ingles-Irlandes na puro lalaki na nakabase sa Londres, at binubuo nina Niall Horan, Liam Payne, Harry Styles at Louis Tomlinson. Kasapi si Zayn Malik sa banda mula nang ito'y mabuo noong 2010 hanggang sa kanyang pag-alis noong 25 Marso 2015. Nakapirma sila sa tatak panrekord ni Simon Cowell na Syco Records[1] matapos na mabuo at makamit ang ikatlong puwesto sa ikapitong serye ng programang pantelebisyon sa Britanya, ang The X Factor. Bunsod ng social media kaya naging matagumpay sa iba't-ibang bansa, ang apat na album ng One Direction, ang Up All Night (2011), Take Me Home (2012), Midnight Memories (2013) at Four (2014) ay nakabura ng mga dating rekord, na nanguna sa mga talaan sa malalaking merkado, at nakagawa ng mga patok na awitin kabilang ang "What Makes You Beautiful", "Live While We’re Young", "Story of My Life", at "Steal My Girl". Ang kanilang ikalimang album, ang Made in the A.M., ay inilabas noong Nobyembre 2015.

Kabilang sa kanilang mga nakamit ang apat na Gantimpalang Brit (Brit Awards), apat na MTV Gantimpala sa Musikang-Bidyo (MTV Video Music Awards), 11 MTV Gantimpala sa Musika sa Europa (MTV Europe Music Awards), 19 na Gantimpala sa Pinili ng Kabataan (Teen Choice Awards), at marami pang iba. Ayon kay Nick Gatfield, tagapangulo at punong ehekutibo ng Sony Music Entertainment UK, kinatawan ng One Direction ang $50 milyong imperyong pang-negosyo noong Hunyo 2012. Ipinroklama silang "Nangungunang Bagong Mang-Aawit" ng 2012 ng Billboard.[2] Ayon sa Sunday Times Rich List, nitong Abril 2013, ang banda ay tinatayang may kabuuang pinagsama-samang personal na yaman na £25 milyon ($41.2 milyon), dahilan upang sila'y maging pangalawang pinakamayayamang musikero sa Nagkakaisang Kaharian na nasa edad na mas mababa sa 30.[3] Noong 2014, itinala sila ng Forbes bilang ikalawang may pinakamalaking kinitang artista na nasa gulang na mababa sa 30, na nakapagtala ng kitang tinatayang nasa $75 milyon mula Hunyo 2013 hanggang Hunyo 2014.[4] Noong Hunyo 2015, itinala ng Forbes ang kanilang kita na nasa $130 milyon sa loob ng nakalipas na 12 buwan,[5] at inihanay sila bilang ikaapat na artistang may pinakamalaking kita sa buong mundo.[6]

Matapos ilabas ang Four, ang One Direction ang naging unang banda sa kasaysayan ng Billboard 200 ng Estados Unidos na nagkaroon ng unang apat na album na nag-umpisang numero uno.[7] Ang kanilang ikatlong album na Midnight Memories ang naging pinakamabiling album sa buong mundo noong 2013 bagaman at inilabas lamang ito noong huling bahagi ng Nobyembre 2013.[8] Ang Where We Are Tour upang itaguyod ang Midnight Memories at Four ang may pinakamalaking kinitang konsiyerto noong 2014, at pinakamalaki sa lahat ng mga grupong mang-aawit, na kumita ng $282 milyon. Noong 2014, pinangalanan ng Billboard ang One Direction bilang nangungunang mang-aawit ng taon.[9] Kasalukuyang nakapahinga (hiatus) ang banda, na kanilang inanunsiyo noong 2016 at nag solo career.[10]

  1. Lee, Cara (15 Dis 2010). "Simon Cowell snaps up Cher, Rebecca and One Direction". The Sun. London. Nakuha noong 23 Ago 2011.
  2. Hampp, Andrew (14 Dis 2012 09:00 EST). "One Direction: Q&As With Billboard's Top New Artist of 2012". Billboard. Nakuha noong 08 Ago 2013. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  3. Lucey, Kate (10 Abr 2013). "THE SUNDAY TIMES RICH LIST 2013 - ONE DIRECTION ZOOM INTO UNDER 30S, PAUL MCCARTNEY REMAINS LOADED". Nakuha noong 29 Ago 2013.
  4. Mizoguchi, Karen (24 Nob 2014). "Justin Bieber is Forbes' highest-earning celebrity under 30 pocketing $80m this year... which should just about cover his costly legal woes". Daily Mail Online. UK: Associated Newspapers Ltd. Nakuha noong 26 Nob 2014.
  5. "One Direction's Earnings: $130 Million in 2015". Forbes. Nakuha noong 4 Nob 2015.
  6. "The World's Highest-Paid Celebrities". Forbes. 14 Nob 2015. Nakuha noong 14 Nob 2015.
  7. Keith, Caulfied (26 Nob 2014 11:00 AM EST). "One Direction's 'Four' Makes Historic No. 1 Debut on Billboard 200 Chart". Billboard. US. Nakuha noong 28 Nob 2014. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  8. "One Direction top 2013 global album chart". London: BBC. 01 Ago 2014. Nakuha noong 05 Okt 2014. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  9. Caulfield, Keith (09 Dis 2014 12:15 PM EST). "The Year in Pop 2014: One Direction, 'Frozen,' & Pharrell Dominate". New York: Billboard. Nakuha noong 13 Dis 2014. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  10. "Louis Tomlinson Reveals How Long One Direction's Hiatus Will Last". BBC Radio One. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-22. Nakuha noong 17 Dis 2015. Naka-arkibo 2015-12-22 sa Wayback Machine.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne