Organisation du traité de l'Atlantique nord | |
![]() Logo | |
![]() | |
![]() Land controlled by member states shown in dark green. | |
Daglat | NATO, OTAN |
---|---|
Motto | Animus in consulendo liber "A mind unfettered in deliberation" |
Pagkakabuo | 4 Abril 1949 |
Uri | Military alliance |
Punong tanggapan | Brussels, Belgium |
Kasapihip | |
Wikang opisyal | |
Jens Stoltenberg | |
Admiral Rob Bauer, Royal Netherlands Navy | |
General Tod D. Wolters, United States Air Force | |
Général Philippe Lavigne, French Air and Space Force | |
Gastusin (2019) | €873.9 billion $1.036 trillion[2] |
Website | nato.int |
Anthem: "The NATO Hymn" |
Ang Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko, kilala sa Ingles bilang North Atlantic Treaty Organisation (NATO, binibigkas sa Ingles bilang /ney-tow/)), at kilala rin bilang Alyansang Atlantiko (o Atlantic Alliance sa Ingles), o Alyansang Kanluranin (Western Alliance sa Ingles), ay isang organisasyong internasyunal o samahang pandaigdigan (kapisanang pandaigdigan) para sa kapayapaan at pagtatanggol na nalunsad noong 1949, mula sa Tratado ng Hilagang Atlantiko (North Atlantic Treaty) na nilagdaan sa Washington, D.C., Estados Unidos noong 4 Abril 1949. Nasa Bruselas, Belhika ang punong-tanggapan nito. Isa pang pangalang opisyal nito ay ang kaparehong pangalan nitong nasa Pranses, ang Organisation du traité de l'Atlantique nord (OTAN).