![]() Logo ng ISO sa Wikang Ingles | |
![]() | |
Pagkakabuo | 23 Pebrero 1947 |
---|---|
Uri | NGO |
Layunin | Pandaigdigang pagsasapantay |
Punong tanggapan | Geneva, Switzerland |
Kasapihip | 163 miyembro[2] |
Wikang opisyal | Ingles, Pranses, at Ruso[3] |
Website | www.iso.org |
Ang Organisasyong Pandaigdig para sa Pagsasapamantayan o International Organization for Standardization (Pranses: Organisation internationale de normalisation, Ruso: Международная организация по стандартизации, tr. Myezhdunarodnaya organizatsiya po standartizatsii),[1] na kilala bilang ISO, ay isang katawang may ayos para sa pagsasapamantayang pandaigdig na binubuo ng ibat-ibang kinatawan mula sa pambansang organisasyon para sa pagsasapamantayan. Itinatag ang samahan noong 23 Pebrero 1947. Sinusuportahan ng samahan ang pandaigdigang pagsasapamantayan sa larangan ng industriya at komersiyo. Makikita ang sentro ng samahan sa Hinebra (Geneva), Suwisa.[2]