Oseanograpiya

Termohalinong sirkulasyon

Ang oseanograpiya (mula sa Sinaunang Griyego ὠκεανός "karagatan" at γράφω "sulat"), kilala din bilang oseanolohiya, ay ang pang-agham na pag-aaral ng mga karagatan. Mahalaga ito sa agham pandaigdig, na sumasakop sa isang malawak na paksa, kabilang ang dinamikong ekosistema; mga agos ng karagatan, mga alon, at dinamikong pluidong heopisiko; plakang tektonika at ang heolohiya ng sahig ng dagat; at pagkilos ng iba't ibang sustansiyang kimikal at katangiang pisikal sa loob ng karagatan at sa mga hangganan nito. Sinasalamin ng iba't ibang paksang ito ang maraming disiplina na ginagamit ng mga oseanograpo upang makapulot ng karagadagang kaalaman sa mga karagatan ng mundo, kabilang ang astronomiya, biyolohiya, kimika, klimatolohiya, heograpiya, heolohiya, hidrolohiya, meteorolohiya at pisika. Pinag-aaralan sa paleoseanograpiya ang kasaysayan ng mga karagatan sa nakaraang pang-heolohiya. Ang oseanograpo ay isang tao na nag-aaral ng maraming bagay na may kinalaman sa mga karagatan kabilang ang marinong heolohiya, pisika, kimika at biyolohiya.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne