Paa

Ang kanang paa
Ang ungguladong mga paa ng kabayo.
Paa ng pusa.
Ginuhit na larawan ng paa ng kulisap at mga bahagi nito.

Ang paa[1] (mula sa Sanskrito: पाद [pāda]) (Ingles: foot [isahan], feet [higit sa isa], hoof [isang paa ng kabayo at mga katulad nito], hooves [maramihan ng hoof], paw [paa ng mga pusa], aso o oso) ay ang pang-ibabang bahagi ng katawan ng tao o hayop na pangunahing ginagamit sa paglakad, pagtayo, at pagtakbo. Mayroong mga daliri at kuko ang mga paa. Sa mas malawak na kahulugan, nabibilang sa katawagang paa ang mga binti.

May mga paa rin ang mga kasangkapang-bahay na walang-buhay katulad ng upuan at hapag. Paanan o puno naman ang tawag sa mga pinakaibaba ng mga istruktura, bundok, gusali at iba pa.[1] Tumutukoy din ang salitang paa (o piye) sa isang sukat ng haba ng isang bagay.

  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Paa". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne