![]() Pad thai mula sa manininda sa kalye mula sa Chiang Mai sa hilagang Taylandiya | |
Ibang tawag | phad thai, phat thai |
---|---|
Uri | Putaheng pansit palay |
Kurso | Entree o Pangunahin |
Lugar | Taylandiya |
Kaugnay na lutuin | Taylandes |
Ihain nang | Mainit |
Pangunahing Sangkap | |
|
Ang Pad thai, phat thai, o phad thai ( /ˌpɑːd ˈtaɪ/ o /ˌpæd ˈtaɪ/; Thai: ผัดไทย, RTGS : phat thai, ISO: p̄hạd thịy, binibigkas [pʰàt tʰāj] ( pakinggan), 'Taylandes na stir fry'), ay isang putaheng stir-fried rice noodle na karaniwang nagsisilbing pagkaing kalye sa Taylandiya bilang bahagi ng lutuin ng bansa.[1][2] Karaniwan itong ginagawa gamit ang rice noodles, hipon, mani, piniritong itlog, at toge, bukod sa iba pang mga gulay. Ang mga sangkap ay pinirito sa isang kawali.