Pader ng Berlin

Pader ng Berlin
Kuha mula sa bahagi ng Kanlurang Berlin noong 1986, kung saan makikita ang sining ng grafitti. Ang malupit na "Kahabaan ng Kamatayan" sa silangang bahagi ng pader ay bumabagtas sa kurba ng Agusan ng Luisenstadt na matagal nang isinara.
Lokasyon ng Pader ng Berlin na nagpapakita ng mga checkpoint
Pangkalahatang impormasyon
UriHarang Panghiwalay
Bansa Silangang Alemanya,
 Kanlurang Alemanya
Mga koordinado52°30′58″N 13°22′37″E / 52.51611°N 13.37694°E / 52.51611; 13.37694
Sinimulan13 Agosto 1961
Mga dimensiyon
Iba pang mga dimensiyon
  • Haba ng Hangganan sa palibot ng Kanlurang Berlin: 155 km (96 mi)
  • Haba ng Hangganan mula Kanluran at Silangang Berlin: 43.1 km (26.8 mi)
  • Haba ng Hanggana mula Kanlurang Berlin at Silangang Alemanya 111.9 km (69.5 mi)
  • Haba ng Hangganan sa pagitan ng sonang pantirahan sa Berlin: 37 km (23 mi)
  • Taas ng kongkretong bahagi ng pader: 3.6 m (12 tal)
  • Haba ng kongkretong bahagi ng pader: 106 km (66 mi)
  • Pambabakod ng Wire mesh: 66.5 km (41.3 mi)
  • Haba ng trinserang kontra-sasakyan: 105.5 km (65.6 mi)
  • Haba ng bakod panghudyat: 127.5 km (79.2 mi)
  • Lapad ng Column track: 7 m (7.7 yd)
  • Haba ng Column track: 124.3 km (77.2 mi)
  • Bilang ng toreng pambantay: 302
  • Bilang ng mga bunker: 20
Teknikal na mga detalye
Sukat155 km (96 mi)

Ang Pader ng Berlin (Aleman: Berliner Mauer, Ingles: Berlin Wall) ay isang harang na itinayo ng Republikang Demokratiko ng Alemanya (GDR, Silangang Alemanya) simula noong 13 Agosto 1961, na siyang tuluyang naghiwalay sa Kanlurang Berlin mula sa pumapalibot ditong Silangang Alemanya at sa Silangang Berlin[1] Binubuo ng mga bantay na tore na nakalagay sa kahabaan ng kongkretong pader[2] na siyang pumalibot sa isang malapad na sakop (na nakilala bilang "Kahabaan ng Kamatayan" o Death Strip) na nilagyan ng trinserang kontra-sasakyan, mga pako at iba pang depensa. Ipinagtanggol ng Eastern Bloc na itinayo ang pader para maprotektahan ang populasyon mula sa mga elementong pasista na nagnanais pumigil sa "kagustuhan ng masa" sa pagbuo ng estadong sosyalista sa Silangang Alemanya. Nagsilbing hadlang ang Pader sa pagpigil sa malawakang paglisan na naging tanda sa Alemanya at sa buong Eastern Bloc matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Opisyal na binanggit ang Pader ng Berlin bilang "Kutang Pangdepensa Kontra Pasismo" (Aleman: Antifaschistischer Schutzwall) ng otoridad ng GDR, at ipinahiwatig din nila na hindi pa tuluyang naaalis ang Nazizmo sa katabing Kanlurang Alemanya.[3] Binanggit din ng gobyerno ng Kanlurang Berlin ang nasabing pader bilang "Pader ng Kahihiyan" na siyang binuo ni alkalde Willy Brandt habang kinukundena ang pagpipigil ng pader sa "kalayaan sa paglalakbay". Kasabay ng isa pang mas mahabang pader, ang Panloob na Harang ng Alemanya (Inner German Border, IGB) na siyang naghihiwalay sa Silangan at Kanlurang Alemanya, sinisimbulo ng magkaparehong pader ang "Bakal na Tabing" na naghihiwalay din sa Kanlurang Europa at sa Eastern Bloc noong Digmaang Malamig.

Bago ang pagtayo ng Pader, nakaiwas na ang 3.5 milyong taga Silangang Alemanya mula sa paghihigpit sa emigrasyon at tuluyang nakalikas mula sa GDR, sa pamamagitan ng pagtawid sa hangganan ng Silangang Berlin patungong Kanlurang Berlin, kung saan maaari na silang maglakbay patungong Kanlurang Aleman at sa iba pang bansa sa Kanlurang Europa. Sa pagitan ng 1961 hanggang 1989, napigilan ng nasabing pader ang halos lahat ng uri ng emigrasyon.[4] Sa loob ng mga taong iyon, humigit kumulang sa 5,000 katao ang nagtangkang tumakas sa pader, at tinatayang 100 hanggang 200 sa kanila ang napatay.

Noong 1989, sunud-sunod ang naganap na mabilisang pagbabago sa politika sa Eastern Bloc, na inilunsad ng pagbibigay-laya ng mga bansang awtoritaryan at sa paglusaw ng kapangyarihang pampolitika sa mga maka-Sobyet na pamahalaan sa karatig na Polonya at Unggarya. Matapos ang ilang linggo ng kaguluhang sibil, ipinahayag ng pamahalaan ng Silangang Alemanya noong 9 Nobyembre 1989 na ang lahat ng mga sibilyan ng GDR ay maaari nang bumisita sa Kanlurang Alemanya at Kanlurang Berlin. Dumagsa ang mga taga-Silangang Alemanya sa pader at inakyat ito, at masaya silang sinalubong ng mga taga-Kanlurang Alemanya sa kabilang panig. Sa mga sumunod na mga linggo ay pinag-uuka ng mga publiko at ng mga kolektor ng souvenir ang mga bahagi ng pader, at kinalaunan gumamit na ang pamahalaan ng mga kagabitang industriyal upang maialis na ng tuluyan ang karamihang bahagi ng pader. Ang pagbagsak ng Pader ng Berlin ang nagbigay-daan sa Pagsasanib Muli ng Alemanya, na pormal nang nakumpleto noong 3 Oktubre 1990.

  1. Video: Berlin, 1961/08/31 (1961). Universal Newsreel. 1961. Nakuha noong 20 Pebrero 2012.
  2. Jack Marck Naka-arkibo 2008-08-29 sa Wayback Machine. "Over the Wall: A Once-in-a-Lifetime Experience" American Heritage, Oktubre 2006.
  3. [1][patay na link]
  4. Monday, 20 Nobyembre 1989 (20 Nobyembre 1989). "Freedom! – TIME". TIME. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-25. Nakuha noong 9 Nobyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) Naka-arkibo 2013-08-25 sa Wayback Machine.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne