Ang pagbombang estratehiko ay isang taktikang militar na ginagamit sa lubos na digmaan na may layunin na talunin ang kalaban sa pamamagitan ng pagsira ng kanilang moral, ang kakayahang ekonomiko nitong magtransporte ng materiel sa mga teatro ng mga operasyon militar, o pareho. Isa itong organisadong atakeng sistematiko at pagpapatupad mula sa himpapawid na maaring gumamit ng mga pambombang estratehiko, mahaba- o katamtamang-layong misil, o naka-nukleyar na pambombang-lumalaban na sasakyang panghimpapawid upang atakehin ang mga target na ipinalagay na mahalaga sa kakayahan ng kalaban sa paggawa ng digmaan. Ang katawagang pagbombang pananakot (terror bombing) ay ginagamit upang isalarawan ang pagbombang estratehiko ng mga target na sibilyan na walang halagang militar, sa pag-asang ng pagwasak ng moral ng kalaban.
Isa sa mga estratehiya ng digmaan ang pagpapahina ng loob ng kalaban upang mas naisin ang kapayapaan o pagsuko sa patuloy na labanan. Ginamit ang pagbombang estratehiko sa layuning ito. Pumasok ang katagang "terror bombing" sa leksikong Ingles patungo sa dulo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at maraming mga kampanyang pagbombang estratehiko, at mga indibiduwal na pagsalakay ang sinalarawan bilang pagbombang pananakot ng mga komentarista at mananalaysay. Dahil may mga konotasyong paninira ang katawagan, may ilan, kabilang ang mga Mga Alyado ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang ginustong gamitin ang mga eupemismo tulad ng "kalooban na lumaban" ("will to resist") at "mga pagbombang moral" ("morale bombings").[1][2]