Ang pagganap, pag-akto, o pag-arte (Kastila: actuación, Ingles: acting) ay ang gawain o pagkilos na isinasagawa ng isang aktor o ng isang aktres, na mga taong nasa larangan ng teatro, telebisyon, pelikula, o anumang iba pang mga midya ng pagkukuwento at nagsasalaysay ng kuwento sa pamamagitan ng paglalarawan o ng isang tauhan at, sa pangkaraniwan, ay nagsasalita o umaawit ng nakasulat na teksto o dula. Sa mundong Kanluranin, ang karamihan sa maagang mga sanggunian na sumisiyasat sa sining ng pag-arte (Griyego: ὑπόκρισις, hypokrisis) ay tumatalakay nito bilang isang bahagi ng retoriko (karunungan o kasanayan sa pagsasalita).[1]