Pagkaalisaga

Isang seudo-alisagang nilikhang bitmap.

Sa karaniwang pagagamit, ang pagkaalisaga ay napansin o aktwal na kulang ng maliwanag padron o pahuhulaan sa impormasyon. Ang isang alisagang sekwensiya ng mga pangyayari, simbolo o yugto ay madalas na walang ayos at hindi sumusunod ng isang malinaw na padron o kombinasyon. Ang indibiduwal na alisagang mga pangyayari, ayon sa kahulugan, hindi ay nahuhulaan, pero kung alam ang distribusyong probabilidad, nahuhulaan ang kadalasan ng mga magkakaibang resulta sa mga pangyayari (o mga "pagsubok") na inuulit. Halimbawa, kapag pinagulong ang dalawang betu-beto, hindi nahuhulaan ang resulta ng ilang partikular na pagpagulong, pero ang isang suma ng 7 ay may dalawang beses ang posibilidad ng isang suma ng 4. Sa itong tingin, ang pagkaalisaga hindi ay kaguluhan kundi isang sukat ng alinlangan ng isang resulta. Makabuluhan ang pagkaalisaga para sa mga konsepto ng tsansa, probabilidad, at entropiya ng impormasyon.

Ang mga sangay ng matematika, probabilidad, at estadistika ay gumagamit ng pormal na mga katuturan ng pagkaalisaga. Sa estadistika, isang alisagang baryable ay isang pagtatalaga ng isang mabilang na kantidad sa kada posibleng resulta ng isang espasyong pangyayari. Nagpapadali ang itong asosyasyon ng pagkilala at kalkulasyon ng mga probabilidad ng mga pangyayari. Ang mga alisagang baryable ay puwedeng lumitaw sa mga alisagang sekwensiya. Ang isang alisagang proseso ay isang sekwensiya ng mga alisagang baryable kung kaninong mga resulta hindi ang sumusunod ng isang deterministikong padron, kundi sumusunod ng isang ebolusyong inilalarawan ng mga distribusyong probabilidad. Ang mga itong at ibang konsepto ay may napakalaking kapakinabangan sa teorya ng probabilidad at iba't ibang aplikasyon ng pagkaalisaga.

Ang pagkaalisaga ay pinakadalas na ginagamit sa estadistika para mangahulugan ng mga kilalang estadisikal na propyedad. Ang mga paraang Monte Carlo, na umaasa sa alisagang input (halimbawa mula sa mga henerador ng alisagang bilang o mga henerador ng seudo-alisagang bilang) ay mahahalagang teknika sa agham, lalo na sa sangay ng komputasyonal na agham.

Ang alisagang pili, kapag makitid na nakikipag-ugnayan sa isang simpleng alisagang patikim, ay isang metodo para pumuli ng mga gamit (na madalas na kilala bilang mga yunit) mula sa isang populasyon kung saan ang probabilidad ng pagpili ng isang espesipikong gamit ay proporsiyon ng mga gamit na iyong sa populasyon. Halimbawa, sa isang mangkok na may 10 pulang holen at 90 asul na holen, ang probabilidad, na ang isang mekanismo ng alisagang pili ay pipili ng isang pulang holen, ay isa sa sampu, o 1/10. Ang isang alisagang pili ng sampung holen mula sa itong mangkok ay hindi kinakailangang pumili ng isang pula at siyam na asul.

Sa mga sitwasyon kung saan ang isang populasyon ay kinabibilangan ng mga gamit na naiibukod, ang kailangan ng isang mekanismo ng alisagang pili ay may mga katumbas na mga probabilidad para sa pili ng anumang gamit. Kumbaga, kung pagdating sa proseso ng pagpili, ang kada miyembro ng populasyon, halimbawa mga paksa sa pananaliksik, ay may parehong probabilidad ng pagpili, tapos tayong puwedeng sabihin na alisaga ang proseso ng pagpili.

Ayon sa teorya ni Ramsey, imposible ang purong pagkaalisaga, lalo na para sa malalaking estruktura. Ang matematikong Theodore Motzkin ay inimungkahi na "habang ang kaguluhan ay mas probable sa heneral, ang kumpletong kaguluhan ay imposible". Ang isang hindi pagkakaunawaan ng ito ay humahantong sa iba't ibang teorya ng pagsasabwatan. Sinabi ni Cristian S. Calude na "dahil sa imposibilidad ng totoong pagkaalisaga, ang aming pagsisikap ay patungo sa pag-aaral ng mga grado ng pagkaalisaga". Napatutunayan na may isang impinitong herarkiya (sa mga tuntunin ng kalidad o lakas) ng mga porma ng pagkaalisaga.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne