Paglalabra

Isang Alemanong karpintero (Zimmerer) ay naglalabra ng isang kalap para maging biga. Pansinin ang asul na linyang tisa na nakakapit sa kalap kung saan nagtatrabaho ang tagalabra.
Sa ilang mga medyebal na Eskandinabyang gusali, nagamit ang isang espesyal na pamamaraan ng paglalabra na gumagawa ng hulwaran ng malabuto ng isda sa mga kahoy (Suweko: Slinthuggning, Noruwego: Sprettejling). Ito ay isang modernong pagbabagong-tatag sa Kapilya Stråsjö sa Hälsingland, Suwisa.
Kapilya Stråsjö

Sa pag-aanluwagi, ang paglalabra ay ang proseso ng pagbabago ng isang kalap mula sa kanyang bilugang likas na anyo para maging kahoy (troso) na may mga humigit-kumulang na patag na ibabaw na ipinanggagamit ang isang palakol. Sinaunang pamamaraan ito, at bago ang pagdating ng lagarian ng panahong industriyal, naging karniwang paraan ito ng pagpaparisukat ng mga bigang yari sa kahoy para sa pagkuwadradong troso. Ngayon ginagamit pa rin ito paminsan-minsan para sa layuning iyon ng sinumang may mga kalap, nangangailangan ng mga biga, at hindi kayang o ayaw magbayad para sa tablang tapos na. Sa gayon, ang mga homesteader na may matipid na badyet, halimbawa, ay maaaring maglabra ng kanilang sariling kahoy kaysa sa bilhin ito.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne