Paglalakbay sa himpapawid

Ang paglalakbay sa himpapawid (Ingles: air travel) ay isang proseso ng paglalakbay o pagpunta sa iba't ibang lugar sa pamamagitan ng anumang bagay o sasakyang lumilipad na katulad ng mga eroplano, mga helikopter, mga lobong may mainit na hangin, mga blimp, mga glayder (mga pangsalimbay), mga napaglalambitinang pangsalimbay, mga parakayda, o ano pa mang bagay na nakalilipad.[1] Ang paglalakbay na lumilipad o pahimpapawid ay naging isa nang matagal na pangarap nang tao magmula pa noong sinaunang mga kapanahunan. Ang mga tao na tumatanaw sa paglipad ng mga ibon ay sumubok na lumipad o sumahimpapawid sa pamamagitan ng maraming mga pamamaraan, at sa paglaon ay nakaimbento ng mga lobo at mga makinang nakalilipad. Ang paglalakbay sa hangin ay nakapagdagdag ng bilis at nakapagbawas ng panahong ginagamit sa paglilibot at paglalakbay. Sa kasalukuyan, naging maaari ang pag-iisip ng paglilibot sa buong mundo sa loob ng 24 na mga oras, na hindi kailanman magiging maaari sa pamamagitan ng paggamit ng iba pang mga sasakyan. Sa ngayon, pangkaraniwan na ang magbiyahe sa pamamagitan ng paglalakbay na palipad, na para sa paglilibang, pangangailangang personal at pangnegosyo. Ang paglalakbay sa himpapawid ay malawakang maipapangkat sa dalawang mga grupo: ang mga paglipad na domestiko, at ang paglipad na pandaigdigan o internasyunal.

  1. "Aviation." Encyclopædia Britannica. Napuntahan noong Hunyo 2011.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne