Suicide | |
---|---|
![]() | |
The Suicide ni Édouard Manet 1877–1881 | |
Espesyalidad | Sikiyatriya, sikolohiya ![]() |
Pagpapakamatay (Latin suicidium, mula sa sui caedere, "patayin ang sarili") ay pagkilos ng sinasadyang pagsasagawa ng sariling ikamamatay. Ang pagpapakamatay ay madalas na ginagawa dahil sa kawalan ng pag-asa, ang sanhi nito ay madalas na inuugnay sa sakit sa pag-iisip tulad ng depresyon, bipolar disorder, schizophrenia, pagkalulong sa alak, o pagkalulon sa droga.[1] Ang mga salik ng stress na tulad ng problemang pinansiyal o mga problema sa mga interpersonal relationship o pakikipag-ugnayan sa kapwa ang madalas na inuugnay dito. Kasama sa mga pagsisikap para maiwasan ang pagpapakamatay ang paglilimita ng pagkakaroon ng baril, paggamot sa mga pangkaisipang karamdaman at pagkakalulong sa droga, at pagpapahusay ng pag-unlad ng ekonomiya.
Ang pinaka-karaniwang pamamaraang ginagamit sa pagpapakamatay ay nag-iiba ayon sa bansa at bahagyang nauugnay sa pagkakaroon nito. Kasama sa mga karaniwang pamamaraan ang: pagbigti, pag-inom ng pestisidiyo, at mga baril. Ang humigit-kumulang na 800,000 hanggang sa isang milyong tao ang namamatay sa pamamagitan ng pagpapakamatay taun-taon, na siyang dahilan kaya ito ang ika-10 sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa buong mundo.[1][2] Ang mga bilang ay mas mataas sa mga lalake kaysa sa mga babae, kung saan ang mga lalake ay tatlo hanggang apat na beses na mas malamang na magpakamatay kaysa sa mga babae.[3] May mga tinatantiyang 10 hanggang 20 milyong mga hindi nakakamatay na pagsubok ng pagpapakamatay taun-taon.[4] Ang mga pagsubok na pagpapakamatay ay mas karaniwan sa mga kabataan at mga babae.
Ang mga pananaw sa pagpapakamatay ay naiimpluwensiyahan ng malawak na mga kasalukuyang paksa tulad ng relihiyon, dangal, at ang kahulugan ng buhay. Ang mga relihiyong nag-uugat kay Abraham ang nagtuturing sa pagpapakamatay ayon sa tradisyon na isang kasalanan sa Diyos dahil sa paniniwala sa kabanalan ng buhay. Noong panahon ng samurai sa Hapon, ang seppuku ay iginagalang noon bilang alay ng para sa kabiguan o bilang isang anyo ng protesta. Ang Sati, na isa na ngayong ipinagbabawal ng batas na kaugalian ng Hindu sa paglilibing, ang nag-uutos sa biyuda na pagkitil sa sarili bilang alay ng kanyang sarili sa funeral pyre o pagsunog ng bangkay ng kanyang asawa bilang paghatid sa huling hantungan, nang kusa o sa pagpuwersa ng pamilya o ng lipunan.[5]
Ang pagpapakamatay o pagsubok ng pagpapakamatay, na dating krimeng pinaparusahan, ay hindi na sa karamihan ng mga bansa sa Kanluran. Ito ay nananatiling isang kasalanang kriminal sa karamihan ng mga bansang Islam. Sa ika-20 at ika-21 siglo, ang pagpapakamatay sa isang anyo ng pagkitil sa sarili bilang alay ay ginagawa bilang isang pamamaraan ng pagprotesta, at ang kamikaze at mga suicide bombing o pagpapakamatay sa pagpapasabog ay isinasagawa bilang isang militar o teroristang taktika.[6]
{{cite journal}}
: Unknown parameter |month=
ignored (tulong)
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Var2012
); $2{{cite book}}
: |edition=
has extra text (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
{{cite journal}}
: Unknown parameter |month=
ignored (tulong)