Ang pagpatay ng lahi[1] o jenosidyo/henosidyo (mula sa Kastilang genocidio at Ingles na genocide[2]) ay ang planado at sistematikong pagkitil, sa kabuuhan o parte man lang, ng isang pangkat etniya, lahi, relihiyon, o bansa. Nangangahulugan din itong anihilasyon ng isang grupo ng tao, o sistematiko at sinadyang pagpapapatay, paglipol o pagpuksa sa isang lipi, grupong pampolitika o kultura.[2]