Pagsanjan

Pagsanjan

Bayan ng Pagsanjan
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Cavinti.
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Cavinti.
Map
Pagsanjan is located in Pilipinas
Pagsanjan
Pagsanjan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°16′N 121°27′E / 14.27°N 121.45°E / 14.27; 121.45
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganLaguna
DistritoPang-apat na Distrito ng Laguna
Mga barangay16 (alamin)
Pagkatatag12 Disyembre 1668
Pamahalaan
 • Punong-bayanDr. Peter Casius "Toto" Trinidad,DVM
 • Manghalalal31,210 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan26.36 km2 (10.18 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan44,327
 • Kapal1,700/km2 (4,400/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
11,404
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-3 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan8.50% (2021)[2]
 • Kita₱ 230.2 million (2022)
 • Aset₱ 290.7 million (2022)
 • Pananagutan₱ 87.96 million (2022)
 • Paggasta₱ 205.3 million (2022)
Kodigong Pangsulat
4008
PSGC
043419000
Kodigong pantawag49
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytpagsanjan.gov.ph

Ang Bayan ng Pagsanjan ay isang Ika-2 klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 44,327 sa may 11,404 na kabahayan. Nagmula ang salitang Pagsanjan sa salitang "pinagsangahan" na dating tawag sa lokasyon nito. Dahil na rin sa magandang lokasyon nito, kung saan nagtatagpo ang mga Ilog ng Balanac at Bumbungan, naging sentro ito ng lalawigan ng Laguna sa loob ng 170 taon. Sa napakahabang panahong ito, nakamit ng Pagsanjan ang "Ginintuang Panahon" nito at naging isa sa mga pinakaimportanteng bayan sa labas ng Maynila.

Ang Pagsanjan ang siyang itinuturing na "Tourist Capital of Laguna", dahil sa mga kagandahan nitong natatangi. Ang Talon ng Pagsanjan ay itinuturing na isa sa pinakadinadayong likas na yaman ng bansa, kaya naman maraming lokal at banyagang turista ang nahuhumaling dito. Ang bayan ding ito ay kilala bilang Tahanan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe na nakalagak sa Dambanang Pangdiyosesis ng Pagsanjan. Maipagmamalaki rin ang kanilang Arco Real na sinasabing ginawa matapos ang aparisyon sa lugar ng kanilang patrona. Dalawang taon itong ginawa ng mga masisipag na Pagsanjeño mula 1878 hanggang 1880 sa pangangasiwa ni Fray Cipriano Bac.

  1. "Province: Laguna". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne