Palarong Asyano

Palarong Asyano

AbbreviationAsiad
MottoPasulong Kailanman (Ever Onward)
Unang Paligsahan1951 Palarong Asyano sa New Delhi, India
Ginaganap bawatapat na taon
Huling Paligsahan2018 Palarong Asyano sa Jakarta-Palembang, Indonesya
LayuninPaligsahan ng mga manlalaro ng mga Asyanong bansa

Ang Palarong Asyano, na tinatawag ding Asiad, ay isang serye ng mga palarong pampalakasan  na ginaganap tuwing apat na taon at nilalahukan ng mga manlalaro sa buong Asya. Ang palaro ay inaayos ng Kagawarang Olimpiko ng Asya (OCA), pagktapos mabuwag ang Pederasyon ng mga Palarong Asyano (Asian Games Federation).[1] Ito ay kinikilala ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) at sinasabing ikalawa sa pinakamalaking palaro pagkatapos ng Palarong Olimpiko.[2][3]

Naging punong-abala sa Palarong Asyano ng apat na ulit ang Thailand. Sa kasaysayan nito, siyam lamang na bansa ang pinagdausan ng Palarong Asyano. Sumunod sa Thailand sa dami ng pagiging punong-abalang lungsod ay ang Timog Korea (1986 ng Seoul, 2002 ng Busan at 2014 ng Incheon) na naging punong-abalang lungsod ng tatlong beses. Susunod sa Timog Korea ang Hapon (1958 ng Tokyo at 1994 ng Hiroshima) at Tsina (1990 ng Beijing at 2010 ng Guangzhou) na parehong naging punong-abalang lungsod ng dalawang beses, at magdaraos ng kanilang pangatlo sa 2022 sa Hangzhou at 2026 sa Nagoya, ayon sa pagkabanggit. Naging punong-abalang lungsod rin ang mga bansang India (2), Indonesia (2), Pilipinas (1), Iran (1) at Qatar (1). May 46 na bansa ang nakilahok sa mga laro, kabilang na ang Israel, matapos ito patalsikin sa mga Palaro noong 1974.

Ginagawad ang mga sumusunod na parangal sa bawat kaganapan; ginto sa unang nanalo, pilak sa ikalawa at tanso naman para sa ikatlo, kaugalian na nagsimula sa Palarong 1951 sa New Delhi, India. Sa kasalukuyan, ang Tsina ang nangunguna sa talaan ng medalya ng palaro simula 1986. Ang susunod na Palarong Asyano ay gagamapin sa lungsod ng Hangzhou, Tsina.

Ang mga manlalaro ay nakakalahok sa pamamagitan ng Pamabansang Olimpikong Kumite (NOC) na  kakatawan sa bansang kanilang kinabibilangan. Ang pagpapatugtog ng pambansang awit at pagtaas ng watawat ay ginaganap tuwing gawaran ng parangal, at ang pagtatala ng bilang ng parangal ay malakang ginagamit.

  1. "OCA History". OCA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-22. Nakuha noong 2010-08-14.
  2. "Asian Games Taps Three-Time Olympic Sportscaster For New Sports Radio Talk Show". Sports Biz Asia. 2010-02-08. Nakuha noong 2010-09-08.
  3. "Fully renovated basketball arena ready for Asian Games". Sports City. 2009-07-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-13. Nakuha noong 2010-09-08. Naka-arkibo 2010-06-13 sa Wayback Machine.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne