Youth Olympic Games | |
---|---|
![]() The logo of Youth Olympic Games | |
Summer Games | |
Winter Games | |
Sports | |
Summer: | |
Winter: |
Palarong Olimpiko |
---|
![]() |
Main topics |
Games |
Ang Palarong Olimpiko ng Kabataan (YOG) (Palarong Olimpikong Pangkabataan) ay isang pang-internasyunal na palarong pampalakasan para sa mga atletang may 15 hanggang 18 taong gulang.[1] Binuo ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC), ginaganap ng palaro tuwing apat na taon ng salitan tuwing tag-init at taglamig ayon sa kasalukuyang ayos ng Palarong Olimpiko, ngunit taliwas sa Palarong Olimpikong sa Taglamig na ginaganap tuwing luksong taon sa halip na mga Palarong Olimpiyado. Ang unang palarong tag-init ay ginanap sa Singapore mula ika-14 hanggang 26 ng Agosto 2010, habang ang unang palarong tag-lamig ay ginanap sa Austria mula ika-13 hanggang 22 ng Enero 2012.[2]
Ang konsepto ng naturang paligsahan ay iminungkahi ni Johann Rosenzopf ng Austria noong 1998. Noong ika-6 ng Hulyo 2007, inaprubahan ng mga miyembro ng IOC sa ika-119 sesyon ng IOC sa Lungsod ng Guatemala ang paglikha ng isang bersyon mga Palarong Olimpiko para sa kabataan, na may hangarin na hatiin ang gastos sa pagdaraos ng palaro sa pagitan ng IOC at ng punong-abalang lungsod, samantalang ang mga gastos sa paglaklakbay ng mga manlalaro at kanilang mga maneensayo ay sasagutin ng IOC. Ang palarong ito ay nagtatampok din ng mga programang pagpapalitan ng kultura at mga pagkakataon para sa mga kalahok upang makakilala ng mga Olimpikong manlalaro.
May ilang kaganapang Olimpiko para sa kabataan, tulad ng Pistang Olimpiko ng Kabataan sa Europa na ginanap sa bawat iba pang mga taon na may mga bersyon ng tag-init at taglamig, at ang Pistang Olimpiko ng Kabataan sa Australya, na parehong napatunayan na matagumpay. Ang mga Palarong Kabataan ay halaw mula sa mga nasabing kaganapang pampalakasan.[3] Ang YOG ay isa ring kahalili sa ipinagpaliban na Pambansang Palaro ng Kabataan.
Ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Singapore noong 2010 at Nanjing noong 2014 ay parehong naging punong-abala sa 3600 mga manlalaro at nagtagal ng 13 araw, samantala ang Palaro Olimpiko ng Kaabataan sa Taglamig sa Innsbruck noong 2012 ay mayroong 1059 manlalaro, habang Lillehammer noong 2016 ay may 1100 mga manlalaro at nagtagal ng 10 araw. Bagama't lumampas sa mga paunang pagtataya,[4][5] ang YOG ay nanatiling mas maliit kaysa sa kanilang mga nakakatandang katumbas. Ang pinakahuling palaro sa tag-init ay ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init 2018 sa Buenos Aires, Arhentina. Ang pinakahuling palaro sa taglamig ay ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig 2024 sa Gangwon, Timog Korea. Ang susunod na palaro sa tag-init na magaganap ay ang Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Tag-init 2026 sa Dakar, Senegal, habang ang susunod na Palarong Olimpiko ng Kabataan sa Taglamig 2028 ay gaganapin sa Dolomites at Valtellina, Italya.