Ang Palazzo San Callisto (kilala rin bilang Palasyo ng Saint Callixtus) ay isang maliit na palasyo sa Roma at isa sa mga ekstrateritoryal na Pagmamay-ari ng Banal na Luklukan.[1] Ang orihinal na Palazzo ay matatagpuan sa Piazza di Santa Maria in Trastevere, ang mga susunod na ekstensiyon ay may pasukan sa Piazza di San Callisto. Ang buong complex ay isa sa mga lugar ng Banal na Luklukan na kinokontrol ng 1929 Kasunduang Letran na nilagdaan sa Kaharian ng Italya. Dahil dito, mayroon itong katayuang ekstrateritoryal.