Ang Palazzo Pitti (Bigkas sa Italyano: [paˈlattso ˈpitti] ), sa Ingles na minsang tinatawag na Palasyo Pitti, ay isang malawak, higit na palasyong Renasimiyento sa Florencia, Italya. Matatagpuan ito sa timog na bahagi ng Ilog Arno, isang maliit na distansiya mula sa Ponte Vecchio. Ang ugat ng kasalukuyang palazzo nagmula noong 1458 at orihinal na tirahang pangkanayunan ni Luca Pitti, isang ambisyosong Florencianong bangkero.
Ang palasyo ay binili ng pamilya Medici noong 1549 at naging punong tirahan ng mga naghaharing pamilya ng Dakilang Dukado ng Tuscany. Lumago ito bilang isang dakilang sinupan ng mga yaman habang ang mga sumunod na henerasyon ay nakatamo ng mga pinta, plato, alahas, at iba pang marangyang kagamitan.