Ang pamahalaan[1] o gobyerno ay isang katawan o grupo ng mga taong namamahala ng isang komunidad o estado at nag-oorganisa ng sistema nito. Kadalasang nagtataglay ang gobyerno ng tatlong sangay—ang lehislatura (tagapagbatas), ehekutibo (tagapagpaganap), at hudikatura (panghukuman). Ang gobyerno rin ang gumagawa ng pagsasabatas at pagpapatupad ng mga patakaran sa nasasakupang teritoryo nito. Ang gobyerno ng isang bansa ay ginagabayan ng isang konstitusyon na naglalaman ng mga prinsipyo at kaisipan sa pamumuno.
Nag-ugat ang terminong "pamahalaan" mula sa salitang bahala na may kahulugang pag-aako o responsabilidad, na dinagdagan ng mga panlaping pang- at -an.
Nabigyan ng kahulugan ang pamahalaan bilang ang makapangyarihang braso na gumagawa ng pasya sa estado. Nabigyan ng kahulugan ang huli (ni Max Weber, isang ekonomistang pampolitika at sosyologo, bukas sa usapin ang kahulugan ng "lehitimo", at nangangahulugan na kinukunsidera na isang estado para sa mga tagataguyod ang organisasyon ngunit di sa mga nagpapababa ng dangal nito. Binibigyan ng kahulugan ng ilan ang "lehitimo" bilang pagsangkot sa aktibo at walang kibong suporta ng nakakarami sa populasyon, i.e., ang kawalan ng digmaang sibil. (Hindi isang estado ang isang entidad na binabahagi ang kapangyarihan ng militar/pulis kasama ang malayang milisya at mandarambong. Maaaring "di nagtagumpay na estado.") Pinapalakas ng maka-demokratikong pagkontrol sa pamahalaan - at sa ganitong paraan ang estado - ang pagiging lehitimo nito.
Maaari din na ang kahulugan ng pamahalaan bilang isang pampolitika na pamamaraan ng paglikha at pagpapatupad ng batas; kadalasan sa pamamagitan ng burukrasyang herarkiya. Sa ganitong kahulugan, hindi inaayunan bilang isang pamahalaan ang isang purong despotikong organisasyon na kinokontrol ang isang nasasakupan na walang sinasaad na batas.