Ang Pamantasang Federal ng Rio Grande do Sul[1] (Portuges: Universidade Federal do Rio Grande do Sul, UFRGS) ay isang pampublikong unibersidad na nakabase sa lungsod ng Porto Alegre, Brazil. Ang UFRGS ay kabilang sa mga pinakamalaki at pinakaprestihiyosong unibersidad sa Brazil,[2][3][4] at isa sa may pinakamalaking bilang ng mga siyentipikong publikasyon. Ang UFRGS ay may higit sa 27,000 mag-aaral sa antas undergraduate, at humigit-kumulang 9,300 mag-aaral gradwado.[5] Bilang isang pampublikong federal na institusyon, ang mga mag-aaral ay hindi na kailangang magbayad ng matrikula.