![]() | Ang artikulong ito ay nakasulat nang parang isang patalastas. Tumulong sa pagsasaayos ng artikulong ito nang walang pinapanigan. (25 Agosto 2008) |
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ateneo de Manila University | |
---|---|
Pamantasang Ateneo de Manila | |
![]() | |
Sawikain | Lux in Domino (Liwanag sa Panginoon) |
Mga undergradweyt | ~7,000 |
Lokasyon | , , |
Kampus | 1.2 km² |
Awit ng paaralan | A Song for Mary |
Kulay | Asul at puti |
Maskot | Blue Eagle |
Apilasyon | ACUCA, ASEACCU, JCEAO, UAAP, UPEACE, atbp. |
Websayt | www.ateneo.edu |
Ang Pamantasang Ateneo de Manila (Ateneo de Manila University sa wikang Ingles) ay isang pribadong pamantasang pinatatakbo ng mga Heswita sa Pilipinas. Matatagpuan sa Lungsod Quezon sa Metro Manila ang pangunahing paaralan nito. Naghahandog ito ng iba't ibang mga programa para sa elementarya, sekondarya, at kolehiyong antas gaya ng sining, humanidades, pangangasiwa, batas, agham panlipunan, teolohiya, pilosopiya, purong agham at teknolohiya.
Isa sa dalawang pamantasan sa Pilipinas ang Ateneo na nabigyan ng Level IV Accreditation, ang pinakamataas na antas, mula sa Federation of Accrediting Agencies of the Philippines, at ang PAASCU. Ang tanda na ito ay iginagawad sa mga institusyong nagpakilala sa sarili sa iba't ibang mga disiplina ng karunungan na nagbibigay sa Ateneo ng awtoridad at karangyaan na maihahambing sa mga ibang tanyag na pamantasan sa ibang bansa.