Ang Pamantasang Rockefeller ay isang pribadaong unibersidad na graduweyt sa Lungsod ng New York. Pangunahin itong nakatuon sa pambiyolohiya at pangmedisinang agham at nagbibigay ng edukasyong doktoral at posdoktoral. Ang Rockefeller ay ang pinakamatandang institusyon sa pananaliksik na biyomedikal sa Estados Unidos. Mayroon itong 82 katao ng pakultad ay mayroong 37 kasapi ng Pambasang Akademya ng mga Agham, 17 kasapi ng Pambansang Akademya ng Medisina, pitong ginawaran ng Gawad Lasker, at limang ginawaran ng Gantimpalang Nobel. Noong Oktubre 2019, may kabuuang 36 laureado ng Nobel na apilyado sa Pamantasang Rockefeller.
Matatagpuan ang unibersidad sa Mataas na Silangang Bahagi ng Manhattan, sa pagitan ng ika-63 at ika-68 mga kalye ng Abenidang York. Si Richard P. Lifton ang naging ikalabing-isang pangulo ng unibersidad noong Setyembre 1, 2016. Nilalathala ng Palimbagan ng Pamantasang Rockefeller ang Journal of Experimental Medicine, ang Journal of Cell Biology, at The Journal of General Physiology.