Pambansang Daambakal ng Pilipinas

Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Philippine National Railways
IndustriyaBiyaheng daambakal
NinunoKompanyang Daambakal ng Maynila
Itinatag24 Nobyembre 1892; 132 taon na'ng nakalipas (1892-11-24)
Punong-tanggapan,
Pinaglilingkuran
Kalakhang Maynila
Calabarzon
Kabikulan
Pangunahing tauhan
Ret. P/Dir. Gen. Roberto T. Lastimoso, PNP, Tagapangulo
Junn B. Magno, General Manager
SerbisyoKasalukuyan:
Commuter Rail
Suspinde:
Riles pangkalungsuran
Mga serbisyong pangkargamento
May-ariPamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng DOTr
Websitepnr.gov.ph

Ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (Ingles: Philippine National Railways, dinadaglat bilang PNR) ay isang sistemang daangbakal na may-ari ng estado sa Pilipinas, na nasa ilalim ng Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) bilang isang kabit na ahensiya. Kahit kung itinatag ito noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, naitatag lamang noong 1984 ang kasalukuyang anyo ng PNR. Kasalukuyang nagtatakbo ito ng 479 kilometro ng riles sa pulo ng Luzon, kung saan ang mayoriya ng imprastrukturang daangbakal sa Pilipinas ay nakapuwesto. Dahil sa ito, naging magkasingkahulugan ang PNR sa sistemang daangbakal sa Pilipinas.

Isang bahagi ng lambat-lambat ng PNR, partikular na sa bahagi ng lambat-lambat nito na nakapuwesto sa Kalakhang Maynila, ay bahagi ng Sistemang Panlulan ng Matatag na Republika (SRTS),[1] at pangkalahatang sistema ng pampublikong transportasyon sa kalakhan. Ito ay ang buhay ng lahat ng mga palingkurang riles panrehiyon sa Kalakhang Maynila, na umaabot sa mga arabal (suburb) nito at sa mga lalawigan tulad ng Laguna. Gayunpaman, ang layon ng PNR ay hindi lamang bawasan ang antas ng paninikip ng trapiko dahil sa pagtaas ng mga bilang ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila,[2] kundi ring ibuklod nang mabuti ang mga importanteng lungsod sa loob ng Pilipinas at maglingkod bilang instrumento sa pambansang kabuhayan at pagpapaunlad.[3] Gayunpaman rin, ang pag-abot ng layon na iyon ay natadtad ng problemang hinggil sa sirang imprastruktura at ng 'di-sapat na pagpondo ng pamahalaan, mga problemang inaayos sa kasalukuyang rehabilitasyon ng sistema. Ang rehabilitasyon ng PNR, na isinusulong ng mga sunud-sunod na administrasyon, ay naglalayon na hindi lamang sagutin ang mga problemang ito, pero palakaran rin ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang matalab na sistemang daangbakal.

  1. GMA Launches transit system Naka-arkibo 2009-06-29 sa Wayback Machine., Philippine Star, 15 Hulyo 2003
  2. NUMBER OF MOTOR VEHICLES REGISTERED: Comparative, JAN.- DEC. 2003, 2004, 2005 Naka-arkibo 2009-10-23 sa Wayback Machine., Land Transportation Office, 23 Enero 2006
  3. Mission Statement Naka-arkibo 2009-08-26 sa Wayback Machine., Philippine National Railways, retrieved 19 Abril 2007

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne