Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2023

Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2023
Mapa ng mga dinaanan ng bagyo sa panahong ito
Hangganan ng panahon
Unang nabuoMarso 4, 2023
Huling nalusawDisyembre 20, 2023
Pinakamalakas
PangalanBetty
 • Pinakamalakas na hangin215 km/o (130 mil/o)
(10-minutong pagpanatili)
 • Pinakamababang presyur905 hPa (mbar)
Estadistika ng panahon
Depresyon29
Mahinang bagyo17
Bagyo10
Superbagyo4 (di-opisyal)
Namatay191 kabuuan
Napinsala$22.8 bilyon (2023 USD)(PHP1.28 trilyon)
Panahon ng bagyo sa Kanlurang Pasipiko
2021, 2022, 2023, 2024, 2025

Ang panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2023 ay ang panahon ng bagyo na taunang nagaganap sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Bagamat taunan, nagiging aktibo ito pagsapit ng buwan ng Mayo hanggang Oktubre.

Limitado ang artikulong ito sa Karagatang Pasipikong nasa itaas ng ekwador sa pagitan ng 100° silangan at ika-180 meridyan. Sa loob ng bahaging ito ng Pasipiko, may dalawang pangunahing ahensiyang nagpapangalan sa mga bagyo na nagiging dahilan para magkaroon ng dalawang pangalan ang iisang bagyo. Papangalanan ng Ahensiyang Pampanahon ng Hapon (Japan Meteorological Agency, JMA) ang isang sama ng panahon kung ito ay may 10-minutong napapanatiling bilis ng hangin na hindi bababa sa 65 kilometro kada oras (40 milya kada oras) saanman sa nasasakupang lugar, samantalang pinapangalanan naman ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA) ang mga dumadaan na bagyo o nagiging depresyong tropikal (tropical depression) sa loob ng kanilang lugar ng responsibilidad sa pagitan ng 135° sa silangan hanggang 115° sa silangan at sa pagitan ng 5° hilaga hanggang 25° hilaga kahit na wala pang binibigay na pangalan ang JMA. Ang mga minamanmanan na depresyon ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Estados Unidos ay binibigyan ng isang numero at hulaping "W."

Ginagamit ng artikulong ito ang pangalan na binigay ng PAGASA. Para naman sa mga bagyong di pinangalanan ng PAGASA, gagamitin ang pangalan nito sa buong mundo, nang ''nakapahilis''.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne