Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021

Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021
Mapa ng mga dinaanan ng bagyo sa panahong ito
Hangganan ng panahon
Unang nabuo19 Enero 2021
Huling nalusaw22 Disyembre 2021
Pinakamalakas
PangalanBising (Surigae)
 • Pinakamalakas na hangin220 km/o (140 mil/o)
 • Pinakamababang presyur895 hPa (mbar)
Estadistika ng panahon
Depresyon41
Mahinang bagyo22
Bagyo9
Superbagyo5 (hindi opisyal)
Namatay554
Napinsala$16.49 milyon (2021 USD)(PHP523.7 milyon)
Panahon ng bagyo sa Kanlurang Pasipiko
2019, 2020, 2021, 2022, 2023

Ang panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021 ay ang panahon ng bagyo na taunang nagaganap sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Bagamat taunan, nagiging aktibo ito pagsapit ng buwan ng Mayo.

Limitado ang artikulong ito sa Karagatang Pasipikong nasa hilaga ng ekwador sa pagitan ng 100° silangan at ika-180 meridyan. Sa loob ng bahaging ito ng Pasipiko, may dalawang pangunahing ahensiyang nagpapangalan sa mga bagyo na nagiging dahilan para magkaroon ng dalawang pangalan ang iisang bagyo. Papangalanan ng Ahensiyang Pampanahon ng Hapon (Japan Meteorological Agency, JMA) ang isang sama ng panahon kung ito ay may 10-minutong napapanatiling bilis ng hangin na hindi bababa sa 65 kilometro kada oras (40 milya kada oras) saanman sa nasasakupang lugar, samantalang pinapangalanan naman ng Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko (PAGASA) ang mga dumadaan na bagyo o nagiging depresyong tropikal (tropical depression) sa loob ng kanilang lugar ng responsibilidad sa pagitan ng 135° sa silangan hanggang 115° sa silangan at sa pagitan ng 5° hilaga hanggang 25° hilaga kahit na wala pang binibigay na pangalan ang JMA. Ang mga minamanmanan na depresyon ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Estados Unidos ay binibigyan ng isang numero at hulaping "W."


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne