Ang pananalapi (Kastila at Italyano: finanza, Pranses at Ingles: finance, Aleman: Finanz, Olandes: financiën) ay ang kung paano pinag-aaralan ng mga tao at sinusuri kung paano nagkakamit at gumagamit ng salapi o pera ang mga tao, mga negosyo, at mga pangkat. Tinatawag din itong pamimilak[1] (mula sa salitang pilak, pinansiya, panustos, panggugol [mula sa salitang gugol, tulad ng pondo]), at pamuhunan (mula sa salitang puhunan o kapital).[2] Maaari itong mangahulugan ng mga sumusunod:
Sa kalagitnaan ng ika-20 dantaon, lumitaw ang pananalapi bilang isang naiibang disiplinang akademiko, na hiwalay sa ekonomika.[3] (Nagsimula ang unang diyornal akademiko, ang The Journal of Finance, na maglathala noong 1946.) Naitatag ang pinakamaagang mga programang doktoral noong dekada 1960 at dekada 1970.[4]
Malawak na pinag-aaralan din ang pananalapi sa pamamagitan ng mga programang undergraduweyt at master na antas na nakatuon sa karera.[5][6]