Ang Pangaea, Pangæa, o Pangea ( /pænˈdʒiːə/ pan-JEE-ə;[1]) ay isang superkontinenteng umiral sa panahong Huling Paleozoic at Simulang Mesosoiko na nabuo noong mga 240 milyong taon ang nakalilipas.[2] Ito ay nagsimulang mahati noong mga 200 milyong taon ang nakalilipas bago ang mga bahaging kontinente nito ay naghiwalay sa kasalukuyang mga konpigurasyong nito.[3] Ang isang pandaigdigang karagatang pumalibot sa Pangaea ang Panthalassa. Ang Pangaea ay nabuo mula sa mga kontinenteng Gondwana, Euramerika at Siberia noong panahong Karbonipero mga 335 milyong taon ang nakakalipas at nagsimulang maghiwalay noong mga 200 milyong taon ang nakakalipas sa wakas ng panahong Triasiko at simula ng Hurasiko.