Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 1935

Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Halalang Pangpanguluhan, Pambansang Asembleya at lokal na ginawa noong Setyembre 15 taong 1935 sa Pilipinas. Ito ang kauna-unahang halalang naganap simula noong mapatupad ang Tydings-McDuffie Act na nagbigay daan sa pagbabago ng pamahalaan. Ang Pangulo ng Senado na si Manuel Luis Quezon ang nanalong pangulo laban sa pangulong rebolusyonaryo na si Emilio Aguinaldo. Ang kanyang pagkapanalo ay nangyari matapos maakusahan si Aguinaldo nang pagtanggap ng suhol mula sa mga Espanyol nang maitaboy sa Hong Kong.Ang isa pang tumakbo ay si Gregorio Aglipay, ang nagtatag at supremong obispo ng Iglesia Filipina Indepediente (Philippine Independent Church). Ang kasama ni Quezon na si Senador Sergio Osmeña ang nanalong Pangalawang Pangulo.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne