Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2010

Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2010

← 2007 10 Mayo 2010 (2010-05-10) 2013 →
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Pangkalahatang Halalan sa pagkapangulo, mga mambabatas at lokal sa Pilipinas ay nakatakdang gawin sa 10 Mayo 2010. Ang mahahalal na pangulo ang magiging ikalabinglimang Pangulo ng Pilipinas, susunod kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na hindi na maaaring tumakbo muli sa pagkapangulo dahil sa tinatakda ng saligang-batas. Kung ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo na si Noli de Castro ay hindi muling tatakbo para sa nasabing posisyon ang susunod sa kanya ang magiging ikalabinlimang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Ang mga mahahalal na mambabatas sa halalan sa 2010 ay makakasama ang mga senador ng halalan noong 2007 at silang bubuo sa Ika-15 Kongreso ng Pilipinas.

Pamamahalaan ng Komisyon sa Halalan ang magaganap na halalan sa 2010 alinsunod sa itinatakda ng Batas ng Republika 9369,[1] na mas kilala bilang Amended Computerization Act ng 2007. Ito ang pangalawang halalan na ginagamitan ng mga kompyuter sa kasaysayan ng bansa pagkatapos ng halalan sa Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao dalawang taon ang nakalipas noong 2008.

Ang mga lokal na halalan ay gaganapin rin sa lahat ng mga lalawigan, lungsod at bayan.

  1. http://www.senate.gov.ph/republic_acts/RA%209369.pdf

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne