San Juan Pablo II | |
---|---|
![]() Si Papa Juan Pablo II noong 1980 | |
Nagsimula ang pagka-Papa | 16 Oktubre 1978 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 2 Abril 2005 |
Hinalinhan | Papa Juan Pablo I |
Kahalili | Papa Benedicto XVI |
Mga orden | |
Ordinasyon | 1 Nobyembre 1946 ni Adam Stefan Sapieha |
Konsekrasyon | 28 Setyembre 1958 ni Eugeniusz Baziak |
Naging Kardinal | 26 Hunyo 1967 |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Karol Józef Wojtyła |
Kapanganakan | 18 Mayo 1920 Wadowice, Republika ng Poland |
Yumao | 2 Abril 2005 Palasyong Apostoliko, Lungsod ng Vatikano | (edad 84)
Kabansaan | Polish |
Dating puwesto |
|
Motto | Totus Tuus meaning "lahat ng sa iyo" |
Lagda | ![]() |
Eskudo de armas | ![]() |
Kasantuhan | |
Kapistahan | 22 Oktubre |
Beatipikasyon | 1 Mayo 2011 Plaza de San Pedro, Lungsod ng Batikano ni Papa Benedicto XVI |
Kanonisasyon | 27 Abril 2014 Plaza de San Pedro, Lungsod ng Batikano ni Papa Francisco |
Pamimintakasi | World Youth Day (Co- Patron) |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Juan Pablo |
Si Papa San Juan Pablo II (Latin: Ioannes Paulus II), ipinanganak bilang Karol Józef Wojtyła (Polish: ['kar?l 'juz?f v?j't?wa]; 18 Mayo 1920 - 2 Abril 2005), kilala din bilang San Juan Pablo Na Dakila ang ika-264 na Papa ng Simbahang Romano Katoliko mula 16 Oktubre 1978 hanggang sa kaniyang pagpanaw noong 2 Abril 2005.[1][2] Siya ang may pangalawa sa pinakamahabang nanilbihang papa sa makabagong kasaysayan matapos kay Papa Pio IX, na nanilbihan ng 31 taon mula 1846 hanggang 1878. Pinanganak sa Polonya, si Papa San Juan Pablo II ang unang papa na hindi Italyano mula kay Papa Adrian VI na isang Olandes na nanilbihan mula 1522 hanggang 1523.
Kinilala ang panunungkulan ni Papa San Juan Pablo II sa pagtulong sa pagtatapos ng rehimeng komunismo sa kaniyang tinubuang Polonya at maging sa kabuuan ng Europa.[3] Ipinagbuti ni Juan Pablo II ang pakikipag-ugnayan ng Simbahang Katoliko sa Hudaismo, Islam, sa Simbahang Ortodokso ng Silangan, at sa Simbahang Anglikano. Ipinagtibay niya ang katuruan ng Simbahan laban sa artipisyal na kontrasepsyon at sa pag-oordina sa mga kababaihan, sa pagsuporta sa Ikalawang Konsilyong Vaticano at sa mga reporma nito.
Isa siya sa mga pinuno na pinakadalas na nakapaglakbay sa kasaysayan, na nakabisita sa 129 mga bansa sa kaniyang pagiging papa. Sa kaniyang espesyal na pagdidiin sa pangkalahatang kabanalan, naibeatipika niya ang 1,340 na katao at 483 ang naikanonisa niyang mga santo, tumalaga siya ng pinakamaraming mga obispo, at nakapag-ordina siya ng maraming mga kaparian.[4] Ang kaniyang layunin sa pagiging Papa ay ang pagbabago at pagpoposisyong muli ng Simbahang Katolika. Ang kaniyang kahilingan ay ang "paglalagay sa kaniyang Iglesia at ang bawat puso ng nga kaalyansa sa relihiyon na magbubuklod sa mga Hudyo, Muslim at Cristiano bilang isang dakilang hukbong relihiyon."[5][6]
Ang kampaniya upang ikanonisa si Juan Pablo II ay nag-umpisa noong 2005, ilang sandali pagpanaw niya, taliwas sa tradisyunal na limang taong palugit ng paghihintay. Noong 19 Disyembre 2009, ipinroklama si Juan Pablo II bilang Venerable ng kaniyang kahaliling si Papa Benedicto XVI at nabeatipika noong 1 Mayo 2011 matapos iparatang sa kaniya ng Kongregasyon ng mga Kadahilanan ng mga Santo ang isang himala: ang pagpapagaling ng isang madreng Pranses mula sa Karamdaman ni Parkinson. Ang pangalawang himala na ipinaratang sa yumaong papa ay ipinasa noong 2 Hulyo 2013 at pinagtibay ni Papa Francisco matapos ang dalawang araw. Kinanonisa si Juan Pablo II noong 27 Abril 2014, kasabay ni Papa Juan XXIII..[7] Tulad ni Juan XXIII, hindi pinagdiriwang ang araw ng kaniyang kapistahan sa petsa ng kaniyang kamatayan tulad ng kinaugalian; sa halip ito ay ginugunita sa anibersaryo ng kaniyang pagkakahirang bilang papa noong 22 Oktubre 1978.[8]
{{cite news}}
: Check date values in: |archive-date=
(tulong) Naka-arkibo 5 November 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine.
{{cite news}}
: Italic or bold markup not allowed in: |newspaper=
(tulong)