Papa Juan XXIII

San Juan XXIII
Papa Juan XXII
Nagsimula ang pagka-Papa28 Oktubre 1958
Nagtapos ang pagka-Papa3 Hunyo 1963
HinalinhanPapa Pio XII
KahaliliPapa Pablo VI
Mga orden
Ordinasyon10 August 1904
ni Giuseppe Ceppetelli
Konsekrasyon19 Marso 1925
ni Giovanni Tacci Porcelli
Naging Kardinal12 Enero 1953
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanAngelo Giuseppe Roncalli
Kapanganakan25 Nobyembre 1881(1881-11-25)
Sotto il Monte, Kaharian ng Italya (1861–1946)
Yumao3 Hunyo 1963(1963-06-03) (edad 81)
Lungsod ng Batikano
MottoObedientia et Pax (Pagkamasunurin at Kapayapaan)
Eskudo de armas{{{coat_of_arms_alt}}}
Kasantuhan
Kapistahan11 Oktubre
Beatipikasyon3 Setyembre 2000
ni Papa Juan Pablo II
Kanonisasyon27 Abril 2014
ni Papa Francisco
Preview warning: Page using Template:Infobox Christian leader with unknown parameter "1 = Kaharian ng Italya "
Preview warning: Page using Template:Infobox Christian leader with unknown parameter "ordinated_by"

Si Juan XXIII (Ingles: John XXIII; Latin: Ioannes PP. XXIII o Ioannes XXIII; Italyano: Giovanni XXIII), ipinanganak bilang Angelo Giuseppe Roncalli, ay isang Italyanong pari na naging ika-262 Papa ng Simbahang Katoliko Romano at namuno sa Lungsod ng Batikano mula 1958 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1963.[1] Siya ang pinaka kamakailang Papa na gumamit ng pangalang "Juan" nang mahalal siya bilang Papa.

Si Angelo Roncalli ay ang pangatlo sa labintatlong mga magkakapatid na ipinanganak sa isang nayon ng Italya mula sa mag-anak ng mga kasamang magsasaka. Naordinahan siya bilang isang pari noong 1904 at naglingkod sa sari-saring mga puwesto, kabilang na ang pagkakatalaga bilang Nunsiyong Pampapa (Papal Nuncio) sa ilang mga bansa, kabilang na ang sa Pransiya noong 1944. Ginawa siyang isang Kardinal ni Papa Pio XII noong 1953. Nahalal siya bilang papa noong 28 Oktubre 1958 sa gulang na 77. Ginulat niya ang mga umaasa sa kaniyang na maging isang papang tagapangalaga sa pamamagitan ng pagtawag ng makasaysayang Ikalawang Konsilyong Batikano (1962–1965). Hindi siya nabuhay nang matagal upang makita ang pagkakakumpleto nito, dahil namatay siya noong 1963 dahil sa sakit na kanser sa tiyan, pagkalipas nang apat at kalahating mga taon nang mahalal siya bilang papa, at dalawang buwan pagkaraan ng panghuli niyang ensiklikal na Pacem in Terris.

Nabeatipika si Papa Juan XXIII noong 3 Setyembre 2000, kaya't tinatawag din siya bilang Ang Pinagpalang Papa Juan XXIII

  1. "List of Popes," Catholic Encyclopedia (2009). Retrieved 2011-11-02.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne