Papa San Lino | |
---|---|
Obispo ng Roma | |
Nagsimula ang pagka-Papa | c. 67 |
Nagtapos ang pagka-Papa | c. 76 |
Hinalinhan | Pedro |
Kahalili | Anacleto |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Linus |
Kapanganakan | Volterra, Tuscany, Italya, Imperyong Romano |
Yumao | c. 76 Roma, Italya, Imperyong Romano |
Si Papa Lino o Papa Linus (namatay noong c. 76 CE) ay ayon sa tradisyon ng Simbahang Katoliko Romano ang ikalawang obispo ng Roma na kahalili ni Pedro. Ayon naman sa ilang maagang mga sanggunian, si Papa Clemente I ang ikalawang obispo ng Roma at kahalili ni Pedro. Ayon naman sa tradisyong Romano Katoliko, si Clemente I ang ikaapat na obispo ng Roma.