Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Kapita-pitagang Pio XII | |
---|---|
![]() | |
Nagsimula ang pagka-Papa | 2 Marso 1939 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 9 Oktubre 1958 |
Hinalinhan | Pio XI |
Kahalili | Juan XXIII |
Mga orden | |
Ordinasyon | 2 Abril 1899 |
Konsekrasyon | 13 Mayo 1917 ni Papa Benedicto XV |
Naging Kardinal | 16 Disyembre 1929 |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Eugenio Maria Giuseppe Giovanni Pacelli |
Kapanganakan | 2 Marso 1876 Roma, Kaharian ng Italya |
Yumao | 9 Oktobre 1958 Castel Gandolfo, Italya | (edad 82)
Motto | Opus Justitiae Pax ("Ang gawain ng katarungan [ay magiging ang] kapayapaan" [Is. 32: 17]) |
Lagda | ![]() |
Eskudo de armas | ![]() |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Pio |
Si Papa Pio XII (Ingles: Pope Pius XII; Latin: Pius Duodecimus o Pius PP. XII; Italyano: Pio XII) na ipinanganak na Eugenio Maria Giuseppe Giovanni Pacelli (2 Marso 1876 – 9 Oktubre 1958) ay isang Italyanong pari ng Simbahang Katoliko Romano at naging ika-261 Papa at soberanya ng Batikano, na nanungkulan mula 2 Marso 1939 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1958.[1]
Bago ang kanyang pagkahalal bilang papa, si Pacelli ay nagsilbing kalihim ng Kagawaran ng Ekstraordinaryong Eklesiyastikal na mga Bagay, nunsiyo ng papa sa Alemanya (1917–1929) at Kardinal na Kalihim ng Estado na sa kapasidad na ito ay gumawa sa pagtatapos ng mga kasunduan sa mga bansang Europeo at Latinong Amerikano na ang pinakakilala ang Reichskonkordat sa Alemanyang Nazi. Ang concordat ng 1933 kung saan ay hinangad ng Batikano ang proteksiyon ng Simbahan sa Alemanya at paghahangad ni Hitler na wasakin ang Katolisismong pampolitika at pagkapinuno ni Pio XII noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kabilang ang kanyang "desisyon na manataling tahimik sa publiko tungkol sa kapalaran ng mga Hudyo" [2] ay nananatiling paksa ng kontrobersiya.
Pagkatapos ng digmaan, itinaguyod ni Pio XII ang kapayapaan at pakikipagkasunduan kabilang ang mga maluluwag na patakaran tungo sa mga bansang Aksis at Aksis-satelayt. Ang Simbahang Romano Katoliko ay nakaranas ng malalang pag-uusig at pagpapatapon na pang-masa ng klerong Romano Katoliko sa Silanganing Bloke. Sa hayagang pakikisangkot ni Pio XII sa politika ng Italya, ang sinumang bumoto para sa isang kandidatong Komunista noong 1948 ay binantaan ng automatikong pagtitiwalag mula sa Simbahang Katoliko Romano. Hayagang hinimok ni Pio XII ang ex cathedra inpalibilidad ng papa sa dogma ng pag-akyat ni Maria sa langit noong 1950 sa kanyang konstitusyong apostoliko Munificentissimus Deus.[3] Ang kanyang magisterium ay kinabibilangan ng halos 1,000 mga pagtugon at mga paghahayag sa radyo. Ang knayang apatnapu't isang ensiklikal ay kinabibilangan ng Mystici Corporis, ang Simbahan ng Katawan ni Kristo; Mediator Dei sa repormang liturhiya; at Humani generis tungkol sa mga posisyon ng Simbahang Romano Katoliko tungkol sa teolohiya at ebolusyon. Kaniyang tinanggal ang mayoridad na Italyano sa Kolehiyo ng mga Kardinal noong 1946.