Paraon ng Sinaunang Ehipto | |
---|---|
![]() | |
![]() Larawan ng isang Paraon na may suot na nemes sa ulo, pekeng balbas at shendyt (kilt) (pagkatapos ni Djoser ng Ikatlong dinastiya ng Ehipto | |
Detalye | |
Estilo | Horus, Nebty |
Unang monarko | Haring Narmer o Haring Menes (ayon sa tradisyon)
(Ang unang gamit ng pamagat ng Paraon para sa isang hari ng Ehipto ay kay Merneptah) |
Huling monarko |
|
Itinatag | c. 3150 BCE |
Binuwag |
|
Tahanan |
|
Naghirang | Diyos |
| ||
pr-ˤ3 "Great house" sa hiroglipo |
---|
| ||||||||||||||
nswt-bjt "King of Upper and Lower Egypt" sa hiroglipo |
---|
Ang Paraon (Ingles: Pharaoh) ( /ˈfɛəroʊ/, /USalsoˈfeɪ.roʊ/;[3] Wikang Ehipsiyo: pr ꜥꜣ;[note 1] Coptic: ⲡⲣ̅ⲣⲟ, romanisado: Pǝrro; Biblical Hebrew: פַּרְעֹה Părʿō) ay titulo na ginamit sa mga hari o monarka ng Sinaunang Ehipto mula sa Unang dinastiya ng Ehipto (c. 3150 BCE) hanggang sa pagkakasakop sa teritoryo ng Sinaunang Ehipto ng Imperyong Romano.[4] Pero "hari" ang titulong madalas na ginagamit ng mga sinaunang Ehipsiyo para sa kanilang mga monarka, anoman ang kasarian ng mga ito, sa kalagitnaan ng Ikalabingwalong Dinastiya sa Bagong Kaharian. Sa mas naunang mga dinastiya ng Sinaunang Ehipto, tatlong pamagat ang ginamit ng mga pinuno nito: ang Horus, Sedge at Bubuyog(nswt-bjtj), at Ang Dalawang Babae o Nebty (nbtj) name.[5] Idinagdag kalaunan ang Ginintuang Horus at ang mga titulong nomen at prenomen kalaunan.[6]
Sentro ng pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan ang Sinaunang relihiyong Ehipsiyo sa lipunan ng Sinaunang Ehipto. Isa sa mga tungkulin ng Paraon ang pagiging tagapamagitan ng mga Diyos at mga tao. Kaya naman may tungkuling sibil at relihiyoso ang mga Paraon. Ang Paraon ang may-ari ng lahat ng lupain ng Sinaunang Ehipto, nagpapasá ng mga batas, naniningil ng buwis, at nagtatanggol laban sa mga mananakop na bansa bilang punong komandante ng hukbo.[7] Sa tungkuling panrelihiyon, ang Paraon ang nagsasagawa ng mga seremonya at pumipili ng mga lugar na pagtatayuan ng mga templong panrelihiyon. Tungkulin din ng Paraon ang pagpapanatili ng Maat o kaayusan ng uniberso, balanse, at hustisya. Kabilang dito ang pakikidigma laban sa mga kaaway na bansa kung kinakailangan o kapag pinaniniwalaang makadaragdag ito sa Maat, gaya ng pagkuha ng pinagkukunang-yaman.[8]
Bago ang pag-iisa ng Mataas at Mababang Ehipto, ang Deshret o "Pulang Korona" ang simbolo ng Mababang Ehipto,[9] habang ang Hedjet o "Puting Korona" naman ang isinusuot ng mga hari ng Mataas na Ehipto.[10] Pagkatapos ng pag-iisa ng dalawang kahariang ito, ang Pschent, ang pinagsamang pula at puting korona, ang naging opisyal na korona ng paraon.[11] Sa paglipas ng mga panahod, nagkaroon ng mga bagong pantakip sa ulo gaya ng Khat, Nemes, Atef, ang koronang Hemhem, at Khepresh na unang ginamit sa iba't ibang mga dinastiya.
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "note", pero walang nakitang <references group="note"/>
tag para rito); $2