Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Park Geun-hye | |
---|---|
박근혜 | |
Ika-11 Pangulo ng Timog Korea | |
Nasa puwesto 25 Pebrero 2013 – 10 Marso 2017 | |
Punong Ministro | Jung Hong-won |
Nakaraang sinundan | Lee Myung-bak |
Sinundan ni |
|
Pinuno ng Saenuri Party | |
Nasa puwesto Ika-17 Disyembre 2011 – Ika-15 Mayo 2012 | |
Nakaraang sinundan | Hong Jun-pyo |
Sinundan ni | Hwang Woo-yea |
Nasa puwesto Ika-23 Marso 2004 – Ika-10 Hulyo 2006 | |
Nakaraang sinundan | Choe Byeong-ryeol |
Sinundan ni | Kang Jae-sup |
Unang Ginang ng Timog Korea (de facto) | |
Nasa puwesto Ika-16 Agosto 1974 – Ika-26 Oktubre 1979 | |
Pangulo | Park Chung-hee |
Nakaraang sinundan | Yuk Young-soo |
Sinundan ni | Hong Gi |
Kasapi ng Pambansang Asambleya | |
Nasa puwesto Ika-30 Mayo 2012 – Ika-10 Disyembre 2012 | |
Konstityuwensya | Proportional Representation No. 11 |
Nasa puwesto Ika-3 Abril 1998 – Ika-29 Mayo 2012 | |
Nakaraang sinundan | Kim Suk-won |
Sinundan ni | Lee Jong-jin |
Konstityuwensya | Dalseong |
Personal na detalye | |
Isinilang | Taegu, Timog Korea | 2 Pebrero 1952
Partidong pampolitika | Saenuri Party |
Alma mater | Sogang University |
Pirma |
Park Geun-hye | |
Hangul | 박근혜 |
---|---|
Hanja | 朴槿惠 |
Binagong Romanisasyon | Bak Geunhye |
McCune–Reischauer | Pak Kŭnhye |
Pangalang Dharma | |
Hangul | 선덕화[1] |
Hanja | 善德華 |
Binagong Romanisasyon | Seondeokhwa |
McCune–Reischauer | Sŏndŏkhwa |
Si Park Geun-hye (Hangul: 박근혜; Hanja; 朴槿惠; Pagbabaybay sa Koreano: [pak.k͈ɯnh(j)e]; ipinanganak nong 2 Pebrero 1952) ay ang ika-11 na Pangulo ng Timog Korea mula 2013 hanggang 2017. Siya ang unang babae na nahalal bilang Pangulo ng Timog Korea, at naglilingkod sa ika-18 panahon ng panunungkulan bilang pangulo.[2] Nahalal siyang Pangulo ng Timog Korea noong 19 Disyembre 2012, at nagsimula siyang manungkulan noong 25 Pebrero, 2013.[3] Siya din ang nagsilbing First Lady o "Unang Ginang" habang nanunungkulan ang kaniyang amang si Park Chung-hee bilang pangulo ng Timog Korea.
Bago siya maging pangulo, siya ang chairwoman (tagapangulo) ng konserbatibong Grand National Party (GNP) sa pagitan ng 2004 at 2006 at sa pagitan ng 2011 at 2012 (binago ng GNP ang pangalan nito upang maging "Partidong Saenuri" noong Pebrero 2012). Si Park ay naging kasapi din ng Pambansang Kapulungan ng Timog Korea, at naglingkod sa apat na magkakasunod na mga panahon ng panunungkulang pamparlamento sa pagitan ng 1998 at 2012; na nagsimula sa kaniyang ika-5 termino bilang isang representatibong proporsiyunal mula Hunyo 2012. Ang kaniyang ama ay si Park Chung-hee, na naging Pangulo ng Timog Korea mula 1963 hanggang 1979.[4] Siya ang pangalawang anak na babae ni Park Chung-hee. Sa pangkalahatan, itinuturing siya bilang isa sa pinaka maimpluwensiyang mga politiko sa Korea magmula noong pagkapangulo ng dalawang mga Kim: na sina Kim Young-sam at Kim Dae-jung.[5]