Partido Nacionalista Partido Nacionalista ng Pilipinas | |
---|---|
Tagapangulo | Cynthia Villar |
Pangulo | Manuel B. Villar Jr. |
Nagtatag | Manuel Quezon Sergio Osmeña |
Punong-Kalihim | Alan Peter Cayetano |
Islogan | Ang Bayan Higit sa Lahat (Nation Above All) |
Itinatag | Abril 29, 1907 |
Punong-tanggapan | Ika-4 na Palapag Starmall, EDSA sa kanto ng Bulebar Shaw, Lungsod ng Mandaluyong |
Palakuruan | Makabayang Pilipino Konserbatismong makabayan Populismo[1][2] |
Opisyal na kulay | Luntian, Pula, Puti, at Asul Marino |
Website | |
nacionalistaparty.com |
Ang Partido Nacionalista ay isang partidong pampolitika mula sa Pilipinas. Sa pangkalahatan, ito ang pinakamatandang partidong pampolitika sa Pilipinas at Timog-silangang Asya. Sa karamihan ng ika-20 dantaon simula nang naitatag ito noong 1907, ito ang namamayaning partido mula 1935 hanggang 1946 (sa ilalim ng mga Pangulo ng Pilipinas na sina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña), 1953–1961 (sa ilalim ng mga Pangulong sina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia) at 1965–1972 (sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos).