Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan

Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan
Government Service Insurance System
Ang logo ng Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan
Buod ng Ahensya
Pagkabuo15 Nobyembre 1936
KapamahalaanPamahalaan ng Pilipinas
Punong himpilanAbenida Macapagal, Sentrong Pananalapi, Lungsod ng Pasay, Pilipinas
Kasabihan/mottoKahit saan, Kahit kailan...Maaasahan
Empleyado3,104
Tagapagpaganap ng ahensiya
Websaytwww.gsis.gov.ph

Ang Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan (GSIS) (Inggles: Government Service Insurance System) ay isang ahensiya ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas na namamahala ng mga seguro ng mga naglilingkod sa pamahalaan.

Ito ay nilikha ng Batas Komonwelt Blg. 186 na ipinasa noong 14 Nobyembre 1936 na inatasang magkaloob at mamahala sa mga sumusunod na benepisyong segurong panlipunan para sa mga manggagawa sa pamahalaan: sapilitang pagkakaroon ng seguro, di-sapilitang pagkakaroon ng seguro, mga benepisyo ng pagreretiro, mga benepisyong pangkapansanan para sa pasumala na may kaugnayan sa hanapbuhay at mga benepisyo ng mga namatay.[1]

Bukod pa rito, ang GSIS ay ipinagkakatiwalaan na may pamamahala sa Pangkalahatang Pondo sa Seguro mula sa kabutihang-loob ng Batas Republika Blg. 656, na kinikilalang Batas sa Segurong Pang-ari-arian. Nagkakaloob ito ng sakop ng seguro sa mga pag-aari at mga ari-arian na may malasegurong interes mula sa pamahlaan.

  1. "About the GSIS". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-22. Nakuha noong 2008-06-25.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne