Pinoy Idol | |
---|---|
![]() Promosyonal na Logo para sa Pinoy Idol. | |
Uri | Interaktibong Kompetisyon sa Awit |
Gumawa | Simon Fuller |
Direktor | Louie Ignacio |
Host | Raymond Gutierrez |
Hurado | Ogie Alcasid Jolina Magdangal Wyngard Tracy Ida Henares (bisitang hurado)[1][2] |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Bilang ng kabanata | 7 (17 Mayo 2008) |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Perry Lansigan[3] |
Lokasyon | Top 24: SM City North EDSA Top 12: SMX, SM Mall of Asia[4] |
Oras ng pagpapalabas | Varies |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | GMA Network |
Picture format | 480i SDTV |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 5 Abril 17 Agosto 2008 | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Philippine Idol |
Website | |
Opisyal | |
Infobox instructions (only shown in preview) |
Ang Pinoy Idol ay ang ikalawang prangkisang Idol sa Pilipinas (ang salitang Pinoy ay ang kolokyal na salita na kasingkahulugan ng Pilipino at ang Idol naman ay nangangahulugang Idolo sa Tagalog). Ipinakilala ng GMA Network ang Pinoy Idol bilang ang "kaunaunahang" kompetisyon ng Idol sa Pilipinas noong Presentasyon ng Bisperas ng Bagong Taon 2007 na ginanap noong 31 Disyembre 2007 sa SM Mall of Asia. Sa gayon, hindi nito kinikilala ang mga nagawa ng Philippine Idol, pati na ang nanalo na si Mau Marcelo. Ang itinakdang punong-abala ng programa ay si Raymond Gutierrez, kasama ang mga huradong kinabibilangan nina Ogie Alcasid (isang kompositor, aktor, at mang-aawit), Jolina Magdangal (aktres, mang-aawit, at modelong pangkomersiyal), at si Wyngard Tracy (isang tagapangasiwa ng mga talento o artista).[5][6] Si Gretchen Espina, ang nanalo sa patimpalak na ito, ay nakatanggap ng P1,000,000, bahay at lupa, bagong sasakyan, recording contract mula sa Sony BMG Music Philippines, at kontrata pantelebisyon sa GMA Network.[7] Nagsimula ang palabas noong 5 Abril 2008.[8]